I-FLEX
ni Jun Nardo
KUMAWALA na ang komedyanteng si Lassy Marquez sa pagiging support niya kay Vice Ganda. Bidang-bida si Lassy sa Viva movie na Sarap Mong Patayin.
“Pressured talaga ako kaya kaya nagpapasalamat ako sa gumabay sa akin, ang napakagaling na si Darryl Yap. Hindi niya kami pinabayaan,” pahayag ni Lassy na member ng Beks Batattalion.
Tungkol sa tinatawag na catfishing na pagpapanggap sa tunay na katauhan online na ginagamit ang photos at personal information ng iba.
Kasama ni Lassy sa movie ang beauty queen na sina Ariella Arida at Kit Thompson. Sa October 15 ang streaming ng Ang Sarap Mong Patayin sa number one entertainment app sa Google Play, ang Vivamax.