Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada, Tinggog, ABS-CBN

Karla pinaaatras, binatikos ang pagiging nominee ng isang partylist

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPAHAYAG ang ABS-CBN, na hindi nila pina-uurong si Karla Estrada na ngayon ay tumatakbo sa ilalim ng partylist na Tinggog, dahil sa paniwala nila na gusto lamang  makapaglingkod ng ina ni Daniel Padilla sa bayan.

Maraming supporters ang bumatikos kay Karla at hinihiling na umatras siya dahil ang party list na Tinggog ay isa sa mga bumoto para maipasara ang ABS-CBN, na mayroon siyang TV show, at siyang nagpasikat sa kanyang anak na si Daniel.

Maging ang ilang dating empleado ng network na nawalan ng trabaho nang maipasara ang ABS-CBN ay nag-post din ng mga pambabatikos kay Karla.

Deadma naman si Karla sa sinasabi ng mga netizen, dahil siguro ang iniisip niya, tiyak namang susuportahan siya ng KathNiel at kung mangyayari iyon, tiyak na panalo ang kanilang party list at siya ay mauupong congresswoman sa susunod na kongreso.

Ano naman kaya ang unang batas na ipapanukala ni Karla?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …