Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonz Are

Tonz Are, patuloy ang pagsisikap sa panahon ng pandemya

BUKOD sa mahusay na indie actor si Tonz Are, kakambal na yata niya ang kasipagan, kaya hindi siya tumitigil sa pagkayod at pagsisikap kahit abala sa paggawa ng pelikula.

Thru Facebook ay nabanggit sa amin ng award-winning actor ang pinagkakaabalahan niya ngayong proyekto.

Wika ni Tonz, “Isa na po rito ang Hukay, sa direksiyon ni Marvin Gabas and Paula Vellena. Hango ang kuwento po nito sa nangyayari sa atin ngayong pandemya. I play the role of Karding, asawa ni Mayeth na ginampanan naman ni Jiana Aurigue, iyong ka-love team ko rin sa film na Rendezvous and Maranhig.”

Aniya pa, “Nakasama rin namin dito sina Malayang Alagad, Jojo Lagudas, Jash Guevarra, Jack Daniel Burgos, John Paul Dabuet, Leonora Carinaga, Rhiane Louise Colandog, Kenneth Cariga, Berbadeth Hesido, Arlene Casabuena, and Rommel Guevarra. Itong film namin ay isa sa napili sa filmfest at entry sa Quisumbing- Escandor Festival For Health. Mapapanood ito starting Oct. 15 sa mga social media platforms.”

Pahabol ni Tonz, “And iyong aming pelikulang Minsa’y Isang Alitaptap, showing na rin this October sa KTX. Kasama namin dito sina Mommy Gina Pareño, Teresa Loyzaga, Ron Macapagal, Romm Burlat, at marami pang Iba. I play ulit the role of Karding na katiwala nila Tita Teresa. Ito’y sa direksiyon ni Direk Romm at sa panulat nina Direk Marvin Gabas and Paula Villena.”

Bukod sa active na ulit siya sa kanyang Tonz Are vlog, patuloy din ang pagdating ng blessings sa kanya.

“Itong year na ito, I’m so blessed dahil kahit may pandemic ay non-stop pa rin ang mga project and endorsements ko. Mayroon din akong parangal na nakuha, like sa 3rd Laguna Excellence Award bilang Outstanding Indie Actor of the Year for Maranhig and Gawad Amerasia International Award bilang Best actor for the Lead role 2021, Gintong Parangal 2021- Multi-Faceted and Multi-Awarded indie Actor of The year.”

Abangan din ang muling pag-ahon ng karakter niyang si Balud sa pelikulang Rendezvous. “Yes po, Balud ang title nito, na character ko sa Rendezvous film. Sa direksiyon ni Marvin Gabas, baka this year ay sisimulan na namin ang first shooting day nito.

“Happy din ako now, kasi umaarangkada pa rin ang aking business na Tonz Tapsilogan and Chilli Garlic, Bagoong, and Artizent Perfumes,” masayang sambit ni Tonz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …