Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Si Isko at hindi si Leni

SIPAT
ni Mat Vicencio

KUNG pagkakaisa ang panawagan para sa isang malakas na kandidato na magpapabagsak sa pambato ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, walang ibang dapat na piliin kundi si Manila Mayor Isko Moreno.

Sa ngayon, si Isko ang itinuturing na pinakamalakas na presidential candidate na maaaring tumalo sa kandidato ni Digong, at hindi kailanman si Senator Manny Pacquiao, si Senator Panfilo Lacson at higit sa lahat hindi si Vice President Leni Robredo.

Kung pagbabasehan ang dalawang nakaraang Pulse Asia survey, sa apat na nabanggit na presidential aspirant, si Leni ang maituturing na kulelat at si Isko naman ay nanatiling nasa unang puwesto.

Nakalulungkot, dahil sa simula pa lamang ng kampanya ng grupo na nananawagan ng pagkakaisa, masasabing hindi na tapat ang panawagan dahil sa halata namang si Leni na ang kanilang napiling kandidato para sa pagkapangulo.

Kailanman, hindi magtatagumpay ang ganitong maruming taktika. Magdudulot lamang ito ng higit na pagkakawatak-watak ng mga puwersang kontra kay Digong dahil na rin sa mali at mapanlinlang na pamamaraan ng panawagan.

Kailangang magkaroon ng tunay na pag-uusap ang apat na presidential aspirants at magkasundo kung sino sa kanila ang nararapat na piliin bilang nag-iisang ‘standard bearer’ na lalaban sa kandidato ni Digong.

Kung hindi magkakasundo at sabay-sabay na sasabak ang apat na tumatakbo sa pagkapangulo, siguradong matatalo silang lahat at tuluyang mananalo ang kandidato ni Digong sa darating na halalan.

Kay dating Senador Bongbong Marcos pa lang, mahihirapan na silang lumusot lalo ngayong tuloy-tuloy ang popularidad nito kabilang na ang suporta ng ‘solid north’ at lugar sa Kabisayaan kung saan malakas ang kanyang inang si Imelda.

Hindi rin nakagugulat kung si Sara na mismo ang magdeklara ng kanyang candidacy at tuluyang tumakbo sa pagkapangulo kapalit ni Senador Bato dela Rosa sa nakatakdang petsa ng tinatatawag na substitution sa Nobyembre 15.

Dapat talagang makita ni Leni ang realidad na wala siyang pag-asang manalo sa pagkapangulo sa darating na halalan. Kung titingnang mabuti, bukod kay Isko, higit na meron pang laban sina Lacson at Pacquiao kung ikokompara kay Leni.

Kaya nga, dapat ay ipaubaya na lamang ni Leni ang laban kay Isko sa pagkapangulo at tuluyang manahimik at magretiro sa pulitika.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …