Saturday , November 16 2024
explode grenade

Mag-asawa patay, 5 pa sugatan (Dahil sa selos, granada pinasabog)

PATAY ang mag-asawa habang sugatan ang limang iba pa, nang sumabog ang isang granada sa Purok 8 Kubayan, Brgy. Casisang, sa lungsod ng Malaybalay, lalawigan ng  Bukidnon, nitong Biyernes ng umaga, 8 Oktubre.

Kinilala ni Malaybalay CPS officer-in-charge P/Lt. Col. Ritchie Salva ang mga biktimang sina Jojit Leona, 44 anyos, at kanyang asawang si Remalyn Leona, 35 anyos.

Nagtatrabaho si Jojit bilang janitor sa Hall of Justice ng nabanggit na lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon na nagsimula ang pagtatalo ng mag-asawang Leona nang komprontahin ni Jojit, habang hawak ang granada, ang asawa tungkol sa bintang niyang nanlalaki si Remalyn.

Namatay ang nagtatalong mag-asawa nang bigla umanong sumabog ang granada.

Samantala, dinala sa Malaybalay Polymedic General Hospital ang mga sugatan sa pagsabog na sina Raiza Mae Pacaldo, kapatid ni Remalyn; at dalawang menor de edad na napag-alamang mga kapitbahay ng mag-asawa.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang safety lever, pull ring, 10 pirasong fragmentation, at isang striker spring, na pinaniniwalaang pawang mga bahagi ng hand grenade na hawak ni Jojit.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …