Sunday , December 22 2024
FilmPhilippines, FDCP

FilmPhilippines ng FDCP, inihayag ang tatanggap ng production incentives

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG FilmPhilippines Office (FPO) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay pumili ng pitong proyekto bilang grantees ng 2021 Cycle 2 ng FilmPhilippines Incentives Program. 

Aabot sa P26 milyon ang kabuuang halaga na ibibigay para sa mga tatanggap ng International Co-production Fund (ICOF) at ASEAN Co-production Fund (ACOF). Kasabay nito ang mga tatanggap ng Film Location Incentive Program (FLIP) na may 20% cash rebate na limitado sa P10 milyon mula sa kanilang mga aprobadong ginastos sa Filipinas. 

Ang ICOF grantees na Dancing the Tides ni Xeph Suarez na produced ng Daluyong Studios at Volos Films (Taiwan) ay magagawaran ng P8 milyon, ang Hold My Gaze ni Carlo Enciso Catu produced ng Epicmedia Productions at Harakiri Films LLC (Japan) ay tatanggap ng P4 milyon, habang ang Kodokushi ni Janus Victoria na produced ng Project 8 Projects, IS-Field (Japan) at Paperheart Limited (Malaysia) ay P6 milyon.

Nabigyan ng P3 milyon ang Cu Li Never Cries ni Pham Ngoc Lan at P5 milyon para sa Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko ni Mervin Malonzo mula sa ACOF, isang selective fund na maaaring magbigay ng minimum na USD 50,000 hanggang USD 150,000 (halos P7.2 milyon) sa full feature na mayroong kahit isang kompanya na mula sa bansang ASEAN o co-producing kasama ang Filipinas. Ang direktor na makatatanggap ng ACOF ay dapat ASEAN ang nasyona­lidad. Makatatanggap din ng FLIP ang reality TV series na Survivor sa ilalim ng Philippine Film Studios, Inc. at Survivor Central Productions, at ang Taffy Season 2 ni Pierre Sissmann na may animation services ng Morph Animation, Inc. na produced ng Cyber Group Studios (France), ay parehas na makatatanggap ng 20% cash rebate na limitado sa P10 milyon mula sa kanilang mga aproba­dong ginastos sa Filipinas. Ibibigay ang cash rebate sa mga Filipino line producers na kalahok sa aprobadong foreign productions. 

“We are pleased to see the growing number of applications every cycle. This manifests the growing support and trust of international and local production companies put in the FDCP’s FilmPhilippines Incentives Program. The new generation of Filipino filmmakers aspires to create films in a more collaborative approach with a very specific vision and distinct voice. We are excited to work together with this refreshing batch of filmmakers,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

About Nonie Nicasio

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …