COOL JOE!
ni Joe Barrameda
HINDI ako mahilig sa mga independent movie kaya hindi ko kilala ang mga baguhang artista rito kahit mga seksi pa ito na madalas pinag-uusapan ng mga bading at kasamahan sa panulat. Gaya ni Kokoy de Santos na sumikat at pinag-usapan ang pelikula pero nakilala ko lang sa pagpasok niya sa bakuran ng GMA.
Simple lang ang itsura ni Kokoy na typical Pinoy. Sa ilang linggong pagtutok namin sa prequel ng Pepito Manaloto, Ang Unang Kuwento ay pinahanga niya kami sa natural na natural na pag-arte niya bilang comedy actor. Hindi lang pala seksi ang kaya niya. Sa Pepito ay nakikipagsabayan siya sa mga kapwa actor na may malawak na experience sa comedy. Pinahanga niya talaga kami.
Napapanood siya sa Pepito tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.