HARD TALK!
ni Pilar Mateo
RORY QUINTOS. Direktor siya. Anak. Dubai. Marami pa. Nag-teleserye rin. Nandyan ang The Legal Wife.
Nagsara ang ABS-CBN.
Marami ang nawalan ng trabaho.
At nakita na lang ni Direk Rory, na mas gustong Rory na lang ang itawag sa kanya sa tinatahanan niya ngayon sa Cervantes, Ilocos Sur, sa World Institute for Incurable Diseases, ang sarili.
Maituturing ng isang energy healer ngayon si Rory.
Ito ang naibahagi niya kina Winnie Cordero at May Valle Ceniza sa kanilang programa sa Teleradyo na Hapinay.
Nami-miss pa rin naman ni Rory ang pagdidirehe at ang showbiz. Lalo pa’t may mga kasama siya sa center na Indiano kaya napag-uusapan din nila ang Bollywood.
Noong araw, dinapuan na pala ng dengue si Rory. Na gumupo sa kanya. Sa loob ng 18 taon, nasanay na ito sa pag-inom ng hypertension pills. Hanggang sa natuklasan niya ang ibang kalse ng gamutan sa pamamagitan ng energy healing.
Ano ba ang ginagawa nila sa klase ng energy healing nila?
“Nililinis namin o ini-scan ang energy o system ng tao. We energize them. And anybody can learn about it. Via Zoom pwede. Masyado na tayong maraming gamot na iniinom. At tuloy pa rin ako sa pag-aaral sa iba pang mga bagay na connected to this.”
Mas nagko-concentrate si Rory sa pag-heal ng may depression o anxiety. At mapatototohanan naman niya ang mga natulungan na nilang kumbaga ay nasa death bed na pero ilang buwan lang na inalagaan nila ay gumaling na. Gaya rin ng ilang may cancer na at iba pang sakit.
Pagkatapos ng palabas, in-scan ni Rory ang dalawang hosts. Bago nga siya umalis sa harap ng camera, gumalaw na ang mga kamay ni Rory at sinabi niyang may malaking puso si Winnie. At si May naman ay talagang may gustong ipa-konsulta sa kanya ring puso.
Wow!