Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rice, Bigas

Negosyante, 1 pa, huli sa entrapment ops (Sako ng bigas na Dinorado)

ARESTADO ng mga awtoridad sa entrapment operation ang dalawa katao na sinabing sangkot sa pagbebenta ng mga sako ng bigas na may markang Dinorado Farmer’s Choice nang walang pahintulot mula sa sole distributor nito sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City  Police Chief P/Col. Albert Barot ang mga suspek na sina Nicomedes Bren, 54 anyos, negosyante, residente sa Melon Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod; at Christian Calderon, 35 anyos, tricycle driver ng Bunducan, Bocaue, Bulacan.

Huli ang dalawang suspek, dakong 7:00 pm ng mga operatiba ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) sa pangunguna ni P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Anastacio Pangan, Jr., sa Block 52 Villa Martinez, Bautista St. Brgy. Panghulo.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Michael Oben, ang kaso ay nagmula sa reklamo ng Northern Luzon Grain Dealer Inc., kinatawan ni Kristian David Rivera, 37 anyos, sales executive.

Matapos mag-alok ang mga suspek na nagbebenta ng mga sako ng bigas, may markings ng “Dinorado Farmer’s Choice” sa kanilang facebook account na nasa P5.50 centavos bawat isa, kung saan ang complainant ang sole distributor nito.

Ani Col. Barot, nagawang makipagtransaksiyon ng isang police poseur-buyer sa mga suspek ng 3,000 pirasong sako kapalit ng P16,500 marked money na binubuo ng tatlong pirasong tunay na P1,000 bill at 13 pirasong boodle money.

Iprenesinta ang mga naarestong suspek sa inquest proceedings sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A. 8293 of the Intellectual Property Act at Estafa. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …