MAS marami ngayon ang bilang ng mga namamatay sa dengue sa bayan ng Subic, sa lalawigan ng Zambales kompara sa nakalipas na taon.
Batay sa datos ng Municipal Health Office, mula nitong Enero hanggang Setyembre ay umabot sa 13 ang namamatay sa nasabing sakit na mas mataas kompara sa walo noong 2019.
Sinabi ni Municipal Health Officer, Dr. Nadjimin Ngilay, mayroong gradual increase ng mga tinatamaan ng dengue partikular sa mga barangay ng San Isidro, Pamatawan, at Manganvaca.
Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga residente na panatilihin ang malinis na kapaligirian at agad magpakonsulta kung may maramdamang sintomas ng sakit. (MICKA BAUTISTA)