Sunday , May 11 2025
Allen Dizon

Allen Dizon, Hall of Famer na sa Gawad Pasado

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Allen Dizon sa mga aktor sa ating bansa na kinikilala ang husay. Kaya hindi kataka-taka kung maging Hall of Famer na siya sa Gawad Pasado.

Proud na inianunsiyo ng kanyang manager na si Dennis Evangelista sa kanyang FB account ang bagong karangalan para kay Allen.

Pagbati kay Allen Dizon sa kanyang Dambana Ng Kahusayan sa Pagganap mula sa Gawad Pasado. Nagwagi si Dizon ng anim na PinakaPasadong Aktor sa Gawad Pasado kaya siya naluklok sa kanilang Hall of Fame awardee na gaganapin sa October 09 thru virtual ceremony sa kanilang 23rd year na pagbibigay ng parangal.

Ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) ay samahan ng mga guro sa pribado at pampublikong paaralan at pamantasan na nagbibigay ng pagpapahalaga sa Pelikulang Pilipino, ginagamit ito bilang materyal na panturo sa makabagong disiplina.

Kinilala ang husay ni Allen sa pagganap sa mga pelikulang Lauriana, Magkakabaung, Iadya Mo Kami, Bomba, Alpha The Rights to Kill, at Mindanao.

Simula bukas abangan dito sa Facebook at Instagram ang mga pahayag ng ilan sa mga nakatrabaho ni Dizon sa kanyang “journey” bilang mahusay na aktor. #allentdizon #bestactor #HallOfFamer #gawadpasado2021

Ang ilan sa mga pelikulang nagmarka si Allen ay ang Twilight Dancers ni Direk Mel Chionglo. Kabilang din dito ang Joel Lamangan’s Dukot opposite Iza Calzado, na kung hindi kami nagkakamali ay matinding torture scene ang nakita kay Allen.

Ang ilan pa sa mga pelikulang nagpamalas ng mahusay na pagganap si Allen ay sa Patikul, Burgos, Kamkam, Lauriana, at iba pa.

Pero ang 2014 movie na Magkakabaung ni Direk Jason Paul Laxamana ang masasabing naging hudyat para finally ay ma-establish si Allen bilang premyadong aktor ng bansa. Ang naturang pelikula ay humakot ng maraming parangal, kabilang ang ilang Best Actor awards para kay Allen, hindi lang sa Filipinas, kundi maging sa ilang International filmfests.

Sinundan ito ng mga pelikulang Invisible, Sekyu, Iadya Mo Kami, Area, Bomba, Alpha The Right To Kill, Persons of Interest, at Mindanao na pawang nagpakita nang husay si Allen at karamihan dito ay tumanggap ng parangal at acting awards.

Ang inaabangan pa naming pelikula ni Allen ay ang Latay ni Direk Ralston Jover at ang katatapos lang na Abe-Nida ng BG Productions International ni Ms. Baby Go. Mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio, tampok din sa pelikula sina Katrina Halili, direk Joel Lamangan, Ms. Gina Pareño, Maureen Mauricio, Vince Rillon, Leandro Baldemor, at ang Pola, Oriental Mindoro mayor na si Ina Alegre.

Sa pelikulang ito’y ginampanan ni Allen ang papel ng isang mentally disturbed sculptor at inaasahan na muli siyang hahakot ng award sa napakahusay niyang pagganap sa naturang pelikula.

Nagbigay naman ng kanyang mensahe si Direk Joel sa karangalang ipagkakaloob kay Allen:

“Para sa akin, sa ngayon si Allen Dizon ang isa sa pinakamahusay na aktor ng ating panahon. Katunayan, napakarami niyang award, local and international sa pagiging mahusay na aktor. Sa aking pagtatrabaho sa kanya ay nakita ko ang dahilan ng mga award na ibinigay sa kanya. Nakita ko ang isang napaka-dedicated na aktor sa kanyang craft. Nakita ko kung paano siya mag-prepare sa kanyang gagawing role sa isang pelikula. Nakita ko kung gaano siya kaseryoso, nakita ko ang kakayahan niya bilang isang actor, nakita ko kung paano siya naging matagumpay sa pagbuo ng character na dapat niyang gawin sa pelikula.

“Nakita ko ang kanyang preparasyon, nakita ko ang kaseryosohan niya. Kaya’t talagang nararapat na ibigay sa kanya ang Pinakapasadong Aktor sa Dambana ng Kahusayan sa Pagganap. Isa siyang natatanging actor ng ating panahon. Maligayang bati Allen, natutuwa ako na nagkasama tayo sa marami-rami na rin namang pelikula. Salamat, isang karangalan sa akin na makasama ka sa anumang proyekto. Maramng salamat Pasado, maraming salamat Allen Dizon, mabuhay ka.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Puregold Nasa Atin Ang Panalo OPM Con 2025 SB19, BINI G22 KAIA Skusta Clee Flow G Sunkissed Lola

Puregold Nasa Atin ang Panalo magtatampok ng mga bagong musikero at mga pasabog

ITATAMPOK muli ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Filipino, sa mga nagmamahal …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …