Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

P32-M pekeng sigarilyo nasamsam (Bodega sinalakay Sa Bulacan)

NAKOMPISKA ang higit sa P32-milyong halaga ng pekeng mga sigarilyo nang salakayin ng mga awtoridad ang isang bodega sa bayan ng Balagtas, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 3 Oktubre.

Ikinasa ang raid ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group 3 (PNP-CIDG 3) sa bodegang matatagpuan sa Zone 6, By-pass Road, Brgy. Borol 2nd, sa nabanggit na bayan dakong 11:00 pm kamakalawa.

Naaresto sa operasyon ang dalawang Chinese nationals na kinilalang sina Zeng Qiangjian, alyas Ken, 42 anyos, ng Brgy. Bigaa, Balagtas; at Lin Shanxiong, alyas Anthony Lim, 48 anyos, ng Brgy. Maybunga, Pasig; at ang dalawang helper na Pinoy na sina John Bejay Aguilar, 25 anyos, ng Brgy. Tabon, Pulilan; at Rodolfo Brosas, 45 anyos, ng Brgy. Malis, Guiguinto.

Narekober sa lugar ang 27 kahon ng Marlboro light, anim na kahon ng Marlboro red, 41 kahon ng Marvel red, 26 kahon ng Jackpot, 41 kahon ng Union, 15 kahon ng Combo, 147 kahon ng Fortune blue, 49 kahon ng Mighty Green, 637 kahon ng Two Moon, 95 na kahon ng Fortune Green, at 244 kahon ng D&B.

Ayon kay P/Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro ng PNP-CIDG, ang mga nasamsam na sigarilyo ay pawang smuggled and untaxed cigarettes na sa kabuuan ay 1,346 kahon at tinatayang nagkakahalaga ng ng P32,305,000.

Nakompiska rin ng mga tauhan ng PNP-CIDG 3 ang isang Isuzu Elf truck, may Plate No. CBJ 6630 ginagamit ng mga suspek sa operasyon; at 1,000 piraso ng P1,000-peso bill na ginamit bilang boodle money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa mga kasong paglabag sa Article 189 of the Revised Penal Code, RA 7394 o The Consumer Act of the Philippines; RA 829 o Intellectual Property Code of the Philippines; at RA 1937 o An Act to Revise and Codify the Tariff and Custom Law of the Philippines.

Sa kasalukuyan, patuloy ang mga tauhan ng PNP-CIDG 3 sa pagsasagawa ng imbestigsyon upang matunton at matukoy kung saan at sino ang nagsu-supply ng mga sigarilyong ito sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …