Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

MWP ng Gapan tiklo sa loob ng Batangas jail

NASUKOL ang top 13 most wanted person ng lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa akusado sa loob ng pasilidad ng BJMP sa lungsod ng Lipa, lalawigan ng Batangas, nitong Linggo ng umaga, 3 Oktubre.

Ayon kay P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, inihain ng mga elemento ng Gapan City Police Station (CPS) ang warrant of arrest laban sa suspek na kinilalang si Alexander Flores, 27 anyos, residente sa Brgy. Sto. Niño, sa nabanggit na lungsod.

Inaresto ang suspek sa kasong paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Law of 1972 sa ilalim ng Criminal Case No. 18651-15 na nilagdaan ni Judge Mildred Villaroman Hernal ng Gapan City RTC Branch 35, may petsang 21 Disyembre 2015. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Dead body, feet

Sa Talisay, Negros Occidental
Bangkay natagpuan sa pribadong kotse

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang kotse sa Brgy. Efigenio …

Gun Fire

Sa Pasay City
Notoryus na kawatan todas sa inuman

PATAY ang isang lalaking nakikipag-inuman sa tabing kalsada matapos barilin sa ulo, nitong Miyerkoles ng …

San Simon Pampanga

Alkalde ng San Simon, Pampanga nagtatago na

NAGTATAGO na ang suspendidong alkalde ng San Simon, Pampanga na si Abundio Punsalan, Jr., matapos …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …