Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez, Prima Donnas

Aiko bagong hitsura sa Prima Donnas Book 2

Rated R
ni Rommel Gonzales

MAY new look ang aktres na si Aiko Melendez para sa kanyang pagbabalik sa well-loved GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Muling bibigyang-buhay ni Aiko ang karakter na si Kendra, isa sa mga most hated characters ng show, sa book two ng serye.

Huling nakita si Kendra na biglang mumulat sa finale ng unang season ng Prima Donnas.

Kabilang sa paghahanda ni Aiko para sa pagbabalik niya bilang Kendra ang pagbabago niya ng look.

Noong Agosto, ipinakita ni Aiko ang kanyang new hairstyle, ang mas maikling buhok.

“Im About To change my Life,” lahad niya sa caption.

Kasalukuyan nang nasa lock-in taping ng show si Aiko at ibinahagi niya ang isang pasilip sa new look ni Kendra.

“Legit na to! Babalik na si Kendra Fajardo ! Season 2 malapit na malapit na ” sulat niya kalakip ang litrato ng monitor na makikitang naka-cap at jacket si Kendra na mukhang nagtatago.

Bukod dito, nag-post din si Aiko ng ilang pictures na nakasuot siya ng sparkly gown na idinisenyo ni Noelle Cristobal at may suot pang korona.

“Finally!!!! After 10X of trying to bring home the crown, I got this one now… Thank you, Miss Universe! Pero mali ang nasalihan ko eh! 

“I am Miss Prima Donnas! Queen of Quezon CITY char! 

“But ang mahalaga ako ang nagwagi! Wagi and LGBTQ+ sa pagkawagi ni Kendra  #Primadonnasseason2,”  biro niya sa caption ng IG post niya.

Tulad ni Aiko, may new look din si young Kapuso actress Sofia Pablo sa pagbabalik niya bilang Donna Lyn o Len-Len sa Prima Donnas.

Nagpaikli rin ng buhok si Sofia at nagpakulay pa.

Abangan ang pagbabalik ng Prima Donnas, soon on GMA Afternoon Prime!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …