Thursday , April 24 2025

Dahil sa frontline service: DPWH R1 kinilala sa CSC awards

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

KINILALA ng Civil Service Commission (CSC) at ngayon ay maihahanay sa mga ahensiya ng pamahalaan na tumanggap ng natatanging karangalan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) – Regional Office 1 na nakabase sa San Fernando City, La Union dahil sa naiambag nito sa public service excellence.

Sa isang virtual appreciation program nitong Lunes, 27 Setyembre 2021, ang DPWH Regional Office 1 sa pamumuno ni Director Ronnel M. Tan ay ginawaran ng Certificate of Appreciation ng CSC sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Kinilala din si DPWH Secretary Mark A. Villar ng CSC sa patuloy na paglilingkod sa bansa sa gitna ng umiiral na krisis, kalamidad at emergencies.

Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri ng CSC Regional Office at ng kanilang field offices, si Director Tan ng DPWH Region 1 Team ay napiling parangalan dahil sa… “unrelenting efforts and extraordinary services filled with admirable courage and dedication in performing sworn duties in the midst of the CoVid-19 pandemic.”

Labis na ikinatuwa ni Director Tan ang karangalang natamo ng DPWH Region 1 sa larangan ng frontline service mula sa CSC award.

“On behalf of the men and women of DPWH Regional Office 1, we are grateful to accept the recognition and overwhelmingly proud by the text of the certificate ‘you are all heroes’,” pahayag ni Director Tan.

Nabatid na tanging ang DPWH Region 1 na pinamumunuan ni Director Tan ang nag-iisang DPWH regional office sa bansa ang tumanggap ng ganitong karangalan mula sa CSC.

Ang sertipikasyon ng pagkilala ay bilang parangal sa DPWH Region 1 frontliners at sa kanilang hindi mababayarang kontribusyon upang mabawasan ang epekto ng pandemyang dulot ng CoVid-19, gayondin sa kanilang pagtugon sa emergency situations.

Matatandaang nagtamo rin ng karangalan ang (DPWH) Region 1 office sa ilalim ng pamumuno ni Director Tan, bilang Top Performing Implementing Unit ng nabanggit na kagawaran sa Unified Directors Meeting noong 10 Setyembre sa Hilton Clark Sun Valley Resort, Clark Freeport, Pampanga.

Bukod dito, si Director Tan ay ilang ulit nang kinilala ni Sec. Villar bilang most awarded Regional Field Executive sa mga nakalipas na taon.

Taglay ang pusong matatag, si Director Tan ng DPWH Region 1 ay ilan lamang sa kakaunting makabagong bayani na handang magbuwis ng buhay upang tumulong sa pakikidigma ng bansa sa pandemya at iba pang kalamidad.

Sa tuwing may bagyo, ang DPWH Region 1 na sumasakop sa Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte na nasa high alert dahil sa kalamidad ay mabilis na kumikilos upang bisitahin ang mga apektadong lugar at mag-check ng mga daan, tulay, public buildings, health centers, schools, flood mitigation structures, at iba pang pampublikong gusali.

Isinasakripisyo ng mga kalalakihan at kababaihan ng DPWH ang kanilang sariling kaligtasan upang makabigay ng suporta at unahing makapaglingkod sa mas nangangailangang mamamayan.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …