Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Thea Tolentino

Thea sa mga middle child — Wag ipunin ang sama ng loob baka sumabog kayo

SA Kapuso series na Las Hermanas, gaganap na middle child si Thea Tolentino na hindi masyadong napapansin at napakikinggan sa pamilya. Kaya naman may payo siya sa mga middle child sa totoong buhay.

“Usually kahit sa totoong buhay ang mga middle child, hindi sila usually ‘yung napakikinggan ng mga magulang. Ang focus madalas ng mga magulang is nasa panganay or nasa bunso,” paliwanag ni Thea sa panayam sa kanya sa GMA Regional TV Early Edition.

Panganay si Thea sa totoong buhay, pero naobserbahan niya ang ugali ng kapatid niya na middle child.

“Napansin ko rin talaga na madalas sa kanila ang kinikimkim ang emosyon,” saad niya.

Payo ni Thea: ”Huwag hayaan ang sarili na ipunin (sama ng loob) lahat kasi aabot din sa point na sasabog kayo and kayo rin ‘yung masasaktan. Kaya mas okay din talaga na makahanap ka ng outlet, or unti-unti na maging open kahit sa family kahit mahirap.

“Kasi ‘pag nag-assume tayo tapos nagiging malala siya… pero ‘pag in-open pala natin, mari-realize natin na, hindi pala ganoon kalala ‘yung sitwasyon. Sana in-open ko na dati pa. So less regrets din kapag vocal tayo,” ayon pa kay Thea.

Gaganap si Thea bilang si Minnie Manansala, ikalawa sa tatlong magkakapatid na Manansala sa Las Hermanas.

Panganay si Dorothy, na gagampanan ni Yasmien Kurdi, samantalang ang bunsong si Scarlet ay gagampanan ni Faith da Silva.

 (ROMMEL GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …