Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maggie Wilson, Victor Consunji

Maggie at Victor tinapos na ang 11 taong pagsasama

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MASASABING perfect couple sina Binibining Pilipinas World 2007 Maggie Wilson at asawang negosyanteng si Victor Consuji, Jr. dahil parehong maganda at guwapo, matalino at magkasundo sa maraming bagay lalo na sa negosyo, pero pagkalipas ng 11 years bilang mag-asawa, nauwi rin sa hiwalayan.

Anyare? Ito halos ang tanong ng mga nakakakilala sa kanila dahil alam nilang sweet sa isa’t isa, maayos makisama sa kanilang mga katrabaho, kaibigan, pamilya at iba pa ang dalawa.

Kaya maraming nagulat nang i-post ni Maggie ang maikling statement  hiwalay na silang mag-asawa nitong Lunes ng gabi, Setyembre 27 pero nanatiling magkaibigan at in communication pa rin sila.

Sa ganang amin ay inunahan na nila ang sinuman na mag-isip na hindi na sila okay dahil early this year ang huling post ni Maggie ay kasama ang asawa at si Victor ay dalawang taon na ang nakararaan sa huling post na magkasama sila ng asawang si Maggie.

“We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate.

“It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us.

“We will always love and support each other no matter what.

“We will always be family as we share our beautiful son, Connor, together.

“We have remained really good friends and partners and will continue to do so.

“Both of us want nothing more than for each other to be happy.

“We’d like to ask for your kindness, understanding, love and support as we navigate this new chapter in our lives.”

Maganda ang career ni Maggie bago siya nag-asawa at kaliwa’t kanan ang product endorsement offers niya sa ibang bansa pero mas pinili niyang mag-lie low sa dahil gusto niyang pagsilbihan ang asawa at nag- iisang anak nilang si Connor, siyam na taong gulang na.

Ang huling hosting job ni Maggie ay ang reality-entrepreneur show na Project GO na ipinalabas sa AXN noong Nobyembre 2020.

Noong Marso 2020 ay ipinagdiwang din nina Maggie at Victor ang 8th birthday party ng anak thru Jurassic Park-themed.

Anyway, maraming kaibigan at kasamahan sa showbiz ang nagpadala ng mensahe bilang suporta sa pinagdaraanan ngayon ni Maggie. Kabilang dito sina Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, Sarah Lahbati, Geneva Cruz, Maxene Magalona, at Iza Calzado.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa almost 4k ang comments sa post na ito ni Maggie at mayroon na ring 31K-plus likes.

Dalawang beses ikinasal sina Maggie at Victor. Ang isa ay sa ibang bansa at ang beach wedding ceremony sa Misibis Bay Albay noong Disyembre 18, 2010.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …