NADAKIP ng mga awtoridad nitong Sabado, 25 Setyembre, ang itinuturing na most wanted person ng Botolan, Zambales, sinabing siyam na taon nagtago sa batas.
Ayon kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, nagsagawa ng manhunt operation ang magkatuwang na puwersa ng Botolan MPS, Sta. Cruz MPS, 1st PMFC ZPPO, at 305th MC, RMFB3 sa Shang Fil Port na matatagpuan sa Purok 1 Brgy. Bolitoc, sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Zambales.
Sa ikinasang operasyon, naaresto ang suspek na kinilalang si Cesar Zalon, 40 anyos, manggagawa sa Tañedo Trucking Company at kasalukuyang naninirahan sa Purok 4, Brgy. San Fernando, sa nabanggit na bayan.
Nabatid na may nakabinbing warrant of arrest laban kay Zalon para sa kasong paglabag sa Section 5, Paragraph 1 ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na nilagdaan ni Presiding Judge Josefina Farrales, ng Iba RTC Branch 69, may petsang 29 Pebrero 2012. (MICKA BAUTISTA)