NADAGDAGAN muli ang bagong batch ng skilled workers sa Navotas City kasunod ng virtual graduation ng 138 Navoteños mula sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Sa NAVOTAAS Institute Annex 1, 46 ang nakakompleto ng Japanese Language at Culture habang 11 ang nakatapos ng Basic Korean Language & Culture.
May limang nakapagtapos sa Beauty Care NC II; apat sa Hairdressing NC II; 10 sa Dressmaking NC II; pito sa Tailoring NC II; at 12 sa Bread and Pastry Production NC II.
Samantala, sa NAVOTAAS Institute Annex 2, 15 trainees ang nakakompleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Housekeeping, at 28 nakapagtapos ng Basic Visual Graphics and Design.
Binati ni Mayor Toby Tiangco ang nasipagtapos at pinuri sila dahil ginamit nila ang kanilang oras sa pagsasanay para makakuha ng bagong kasanayan.
“I commend all our tech-voc graduates for choosing to be productive even while we are under community quarantine. Our current situation should not hinder us from learning new things and striving to improve ourselves,” aniya.
“Maaaring magsimula ang mga nagsipagtapos ng negosyo o dalawin ang Na votaAs Hanapbuhay Center para sa hanapbuhay na puwede nilang pasukan,” aniya.
Sinabi ni Cong. John Rey Tiangco, ang lungsod ay nagtatag ng training centers upang bigyan ng pagkakataon ang mga Navoteño na matuto ng mga bagong pamamaraan at iba’t ibang uri ng skills na makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay at pamumuhay.
Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees habang ang mga residente ay maaaring mag-aral nang libre sa nabanggit na training institute.
Ang mga hindi naman residente ng lungsod ay sasailalim sa assessment exams nang libre depende sa kursong kukunin nito.
(ROMMEL SALES)