Saturday , November 16 2024
Bongbong Marcos, Elections

BBM ‘tiyak’ hahabol sa deadline para maghain ng COC (Para sa national post)

SA KABILA ng kaliwa’t kanang endorsement ng ilang grupo para tumakbo si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., nananatiling tahimik at low-profile habang pinag-aaralan ang lahat ng posibilidad ng pakikipag-alyansa sa darating na halalan.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, nagpapasalamat ang dating senador sa dagsa ng suporta mula sa mga kilalang partido politikal, mga pinuno ng barangay, at ilang concerned citizens.

Gayonman nanatiling tahimik sa kanyang pinal na desisyon ang dating senador.

Ayon kay Rodriguez, myembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na naunang nag-endoso sa dating senador bilang kanilang standard-bearer sa 2022 elections, nakasisigurong magdedesisyon si Marcos sa lalong madaling panahon bago ang deadline ng filing of candidacy sa Commission on Elections (Comelec).

Dagdag ni Rodriguez, pinag-iisipang mabuti ni Marcos ang lahat dahil hindi madali ang magdesisyon lalo’t mainit na usapin ang pandemic government at post-pandemic situation ngayong darating na halalan.

Bukod sa PFP, inendoso na rin si Marcos ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), ang malaon nang political party ng mga Marcos.

Inihayag ng tagapagsalita ni Marcos na pinagtutuunan din nito ng pansin ang pakikipag-alyansa sa posibleng makakatambal sa halalan kabilang ang pakikipag-usap kay Davao Mayor Inday Sara Duterte.

Pansamantalang nakabinbin ang pakikipag-alyansa ni Marcos kay Davao city mayor Sarah dahil sa pahayag na hindi siya tatakbo sa darating na halalan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *