Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jay Khonghun, Aiko Melendez

Aiko Melendez, rumesbak sa mga negatron na walang magawa sa buhay

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY mga insecure na yata kay Aiko Melendez, kaya ngayon pa lang ay binabatingting o pinupulitika at iniintriga na nila ang premyadong Kapuso aktres.

Recently kasi ay nag-post sa kanyang FB account si Ms. Aiko, dito ay rumesbak siya sa mga negatron na walang magawa sa buhay kundi ang makialam, mamintas, magma-asim at kung ano-ano pang kanegahan sa buhay.Ito ang mahabang post ni Ms. Aiko:Ok isang paglilinaw lang ahhh. I had to screen shot everything with the dates indicated there sa mga litrato, Mahirap po iedit ang dates sa IG, hindi po para magyabang. Kundi para itama lang ang mga malisyosong tao na wala makita kundi ang kamalian at mamintas. Ano po ang dates nyan? 2020 po me eleksyon po ba nyan? And opo hindi lang mga taga Quezon City po ang pilit ko po tulungan sa abot ng makakaya ko po. Ayaw ko na po sana ipakita ang lahat ng pruweba na tumutulong ako nuon pa man. And inuulit ko po halos ibat- ibang sulok ng Pilipinas ang natulungan namen po. Kasama ang mga kaibigan kong artista para maka raise ng funds po. Madami po nag Direct message dn sa akin nanghingi ng tulong po at kht paano tumulong ako hindi man malaki pero kng ano ang kaya ko po. Hindi ko pinpost lahat ng mga natulungan ko, Ngayon? Sasabihin nyo namumulitika ako? 2020? 2019? Kng ipapakita ko po sa inyong lahat ang mga natulungan ko para san po? Hindi ako tatakbong Senador po pero bakit kht hindi taga kng saang Syudad ako nakaregister tumulong po ako? Kasi hindi ako namimili ng pwede matulungan. so wag nyo ako pagbintangan na namumulitika ako. Kht pa nuon na natalo ako sa pagka vice mayor ng Quezon City, hindi ako huminto sa pagtulong. Mapa kasama ko sa indutriya mga crew na lumalapit sa akin hindi ako humihindi basta kaya ko tutulong po ako. Ngayon babalikan ko po kayo, Kayo kelan lang ba kayo lumabas para tumulong? Ngayong taon kng kelan malapit ang filing? Mag isip po kayo san kayo sa taong matagal na tumutulong or sa taong nakikita nyo lang kapag me kailangan sa inyo???. Kayo na po ang humusga… Ayaw ko sana ipost yang mga Pictures na yan sa Instagram ko kaso sa dami ng nangngailangan humingi ako ng tulong sa kasamahan ko at kaibigan ko sa industriya, For transparency Purposes. Kaya nga di naka post lahat dhl ayaw ko mapulaan pero i just needed to post all these kasi ang dumi maglaro ng ibang tao. Madami pa kng sa tutuusin ang mga dates na silently i was helping, 2010 eleksyon un tumakbo ba ako nuon? Hindi dba. So hinay hinay lang po kasi ako me ebidensya sa lahat. Hindi ako panghihinaan ng Loob sa kakapuna nyo sa akin, Dahil malinis ang puso ko. Sana kayo dn

Marami nga ang nagpapatunay kung gaano kamatulungin ni Ms. Aiko at kung paano sila natulungan ng premyadong aktres. Idiniin nga ng aktres na may election man o wala, kung kaya niyang tumulong ay tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya.Dito talaga makikita kung tunay o genuine at bukal sa kalooban ang pagtulong at hindi sa ngalan lang ng politika. Sa puntong ito, lamang na lamang si Ms. Aiko dahil makikita naman sa kanyang social media account ang nagawa niyang mga pagtulong, na ginagawa ng aktres, sa maraming pagkakataon sa mga nakaraang taon pa. Bitter lang siguro ang ibang epal na politiko at naiinggit kay Ms. Aiko, dahil sa suportang nakukuha niya sa masa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …