Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Telephone Wires

6 lineman, 4 pa arestado sa nawawalang telephone wires (Sa Marilao, Bulacan)

NALUTAS ng mga awtoridad ang talamak na nakawan ng mga kable ng telepono sa lalawigan ng Bulacan nang madakip ang anim kataong may pakana nito sa bayan ng Marilao.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Rolando Gutierrez, hepe ng Marilao Municipal Police Station (MPS) kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga naarestong suspek na sina John Paul Ramireza, lineman, ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte; Noel Ibarra, lineman, ng Brgy. Pag-asa, Obando; Eldrin Gamboa, helper, ng Deparo, Caloocan; Adrian Esteban, at John Russel Esteban, kapwa ng Brgy. Siling Bata, Pandi; at Roger Gonzales, ng Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria.

Naaktohan ng mga tauhan ng Marilao MPS ang mga suspek sa intensiyong nakawin ang telephone wires na naka-install sa bahagi ng M. Villarica Rd., Brgy. Tabing-ilog, sa nabanggit na bayan, na pag-aari ng RACITELCOM, Inc.

Una rito, may mga testigong nagbigay ng impormasyon sa nabanggit na kompanya ukol sa nagaganap na nakawan ng mga telephone wires sa nasabing barangay kaya maagap na umaksiyon ang mga tauhan ng Marilao MPS na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek.

Nakompiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 200 pares ng telephone copper cable gauge 22, may habang 180 metro at tinatayang nagkakahalaga ng P630,000; dalawang lagaring bakal, dalawang hagdan; at puting Toyota Tamaraw FX na may plakang TCG 404 na ginagamit nilang get-away vehicle.

Nakakulong na ang mga suspek sa Marilao MPS Jail habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanila sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …