Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carrillo, Cloe Barreto, AJ Raval

Quinn Carrillo, type apihin sina AJ Raval at Cloe Barreto

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ng talented na si Quinn Carrillo. Bukod sa may bago siyang dalawang pelikula, may online show din sila ng mga kapatid sa Belladonnas.

Saad niya, “Iyong bago pong movies, ‘yung isa po ay ipapalabas sa Vivamax na Shoot! Shoot! Tampok po rito sila sir Andrew E, AJ Raval, Sunshine Guimary,  Sheree Bautista, Wilbert Ross, at iba pa. Directed by Al Tantay, ang streaming po nito ay magsisimula na sa October 8.

“Then, may gagawin din po kaming bago with direk Joel Lamangan naman po, ang title ay Moonlight Butterfly. Tampok po sa movie na ito sina Christine Bermas, Kit Thompson, Albie Casiño, Jim Pebanco, Tanya Gomez, Jolo Estrada, Ivan Carapiet, at iba pa.”

Pagpapatuloy ni Quinn, “Iyong online show po namin ay sobrang fun, kasi talagang kami lang ang gumawa nito. Kumbaga, brain child naming apat and then kami rin talaga ang naghahanap ng guests and all.

“Sobrang saya, kasi hindi lang po kami host dito, kami rin ang nagse-serve as producers and technical.”

Ang tinutukoy ni Quinn ay ang online show nilang The Pink Room na napapanood every Wednesday, 8-9 pm sa Facebook. Kasama rito ni Quinn sina Christine Bermas, Angelica Cervantes, at Cloe Barreto.

Ano ang role niya sa dalawang movies na ito?

Pahayag ng aktres, “Iyong role ko po sa Shoot! Shoot! ay minor lang po, pero maganda. Kasi po, ‘yung scene ko ay laging in between scenes, tapos gag siya, so pansinin talaga.

“Sa Moonlight Butterfly naman po, ang role ko roon is bestfriend po ng bida, si Christine.”

Inusisa rin namin siya kung ano ang nararamdaman na dala-dalawa ang movies niya ngayon.

“Masaya po ako na na nagkakasunod-sunod po ang projects ko ngayon,” matipid na tugon niya.

Ano ang reaction niya na isa na namang kapatid sa Belladonnas ang magbibida at nabigyan ng break?

“Yes po, launching iyon ni Christine. Siyempre po ay sobrang proud po, kasi talagang lahat kami paangat na, ‘di ba? At wala talaga pong iwanan sa gitna ng lahat.”

Dahil very vocal siya na ang kanyang dream role ay ang pagiging konbtrabida, sino ang magiging peg niya sakaling mabigyan ng ganitong papel?

“Sa tingin ko po, iyong mga talagang sikat na kontrabida like si Ms. Sheryl Cruz, ‘yung dating nakikita kong role like si Ms. Mylene Dizon… and si Princess Punzalan also, iyong mga tipong ganoon po.”

Sino naman ang gusto niyang apihin, bilang kontrabida?

Tumawa muna si Quinn, bago sumagot. “Hahahaha! Parang wala naman po, parang wala akong gustong apihin, hehehe.

“Pero depende po, kung sino ang ibigay nila na mukhang kaapi-api talaga, hehehe. Hindi ko po kasi masabi, kung sino ba ang aktres na parang masarap apihin, hahaha!”

Kung sakali, okay bang sampal-sampalin niya sina Cloe at AJ Raval kung maging kontrabida siya nila?

“Kaya naman po, kasi roon po sa movie na Silab ay mayroon po kaming ganyang eksena ni Cloe. So, alam ko pong kaya naman iyon,” nakangiting wika ni Quinn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …

Celesst Mar

Fil-Am singer-songwriter iiwan America para sa local showbiz career

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAHILIG sa dagat at malaking bahagi ng kanyang musika ay nagpapakita …