Thursday , May 2 2024
Cloe Barreto Jaclyn Jose

Cloe Barreto nag-enjoy sa sampal ni Jaclyn

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PURING-PURI ng direktor na si Bobby Bonifacio gayundin nina Jaclyn Jose at JC Santos si Cloe Barreto sa pelikula nilang Tahan na handog ng Viva Films at mapapanood na sa July 22 sa Vivamax.

Ani Direk Bobby sa isinagawang media conference noong Martes, nakipagsabayan si Cloe kina Jaclyn at JC. Meaning, hindi nagpalamon sa pag-arte si Cloe. “First time kong nakatrabaho si Cloe. Noong una dalawang beses kami nagkita bago simulan ang shoot. Sa una reding kami, kinabahan ako sinabi ko sa kanya kasi kinakabahan din siya. Sinabi ko sa kanya na nagtatanong ako sa sarili ko kung bang ideliver ‘yung hininihingi ng character niya. Pero naghanda po siya at pagdating sa set after naming mag-usap nakipagsabayan po siya sa mga artista natin and she really deliver talaga. Kasi andito (pag-arte) ‘yung puso niya na gusto niyang mapaganda ang pagde-deliver niya sa character niya.” 

Tahimik at very focused naman si Cloe sa kanyang trabaho ang nasabi ni Jaclyn. Aniya, “Si cloe very quiet, nakikinig and observing sa work na ipinagagawa ni direk, so wala tayong problema. Napakahirap ng role ni cloe and I can assure you thru direk’s guidance nagawa nang tama ni Cloe ‘yung trabaho. Bilib ako sa bata kasi tahimik, concentrating, nakikinig. 

Sinabi pa ni Jaclyn patungkol kay Cloe na, “Hindi ko siya nakikita na laughing off cam. Before the take she’s very quiet and very focused in her work and I admire her. Tawag ko riyan, anak.”  

“Working with Cloe this time, nag-enjoy ako kasi mahirap ang role niya eh. Kailangan ko siyang suportahan kung paano ko maiha-highlight ‘yung character niya. I think ‘yun ang naging challenge sa akin in a way. Pero naging magaan ang feeling namin sa shoot,” sambit naman ni JC.

Mag-ina ang role nina Cloe at Jaclyn sa Tahan kaya naman ganoon ka-excited ang una dahil idol niya ang huli. Sa story conference pa lang ay hindi na magkandaugaga si Cloe dahil sa sobrang excitement na makaharap si Jaclyn na nasa zoom video lang noong oras na iyon.

Kaya naman nang makaharap niya sa shoot halos matameme siya. 

Kuwento ni Cloe, “Sobrang nahihiya ako kay Ms Jaclyn na kinakabahan. First time ko siyang naka-work tapos idol ko pa. Noong nag-usap kami sa make-up area sinabi ko na nahihiya ako kasi idol ko siya. Sabi niya, ‘eh ‘di ‘wag kang mahiya.’  Tapos ang dami niyang itinuro sa akin. 

Ibinahagi pa ni Cloe na sobra siyang kinabahan sa unang eksena pa lang nila ni Jaclyn. “Noong unang eksena kinakabahan ako kasi parang na-starstruck ako kasi sobrang idol ko siya as in. So, noong nag-usap nang nag-usap kami tinuruan niya ako para hindi ako mahiya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang noo ko para makampante ako kasi nga kinakabahan talaga ako.”

Bagamat kabado hindi naman nagpasindak si Cloe sa isang eksena nila ng magaling na aktres na si Ms Jaclyn, ito iyong sinampal siya nito. Kaya naman natanong si Cloe kung paano niya pinaghandaan ang eksenang iyon.

“Natuwa ako kasi nasampal ako ni Ms Jaclyyn,” natatawang tugon nito.. “‘Yung karga ko kasi roon about sa mother din kaya siguro parang nag-konek din. Sobrang laki ng tulong ni Ms Jaclyn kaya sobrang thank you,” sambit pa nito.

Nabangit pa ni Cloe na sobrang suwerte niya sa pelikulang Tahan dahil sinuportahan siya nang todo ni Jaclyn. “First time akong gumawa ng ganitong klase ng movie, nakakakaba pero andyan sila para gabayan ako. Tapos marami akong na-discover na kaya ko palang gawin. Sobrang gaan kasi, lahat nagtutulungan at nagsusuportahan.”

Ang Tahan ay isinulat ni Quinn Carillo na nagsabing habang isinusulat niya ito’y si Cloe na ang nasa isip niya. Kaagad nga niya itong itinawag dito kaya agad na-excite ang bida.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bidaman Wize Estabillo PMPC Star Awards for Music 

Bidaman Wize Estabillo dream come true pagwawagi sa 15th Star Awards For Music

DREAM come true para sa actor/ It’s Showtime Online host na si Bidaman Wize Estabillo ang pagwawagi sa PMPC’s 15th …

Mura Allan Padua sunog

Mura nasunugan, sa waiting shed ngayon naninirahan

MATABILni John Fontanilla MASAKLAP ang buhay na tinatahak ngayon ng dating komedyante na si Mura nang masunog …

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Dirty Ice Cream Vivamax

Dirty Ice Cream ng Vivamax ‘di raw pampantanggal init

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil pampa-tanggal init na lang din ang usapan, may bagong …

Pepe Herrera Joey Reyes Bantay Bahay

Pepe pressured sa pagpatok ng horror-comedy movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAW isipin ni Pepe Herrera ang “pressure” na kasali siya sa Pinoy highest …