Monday , August 8 2022
Liza Diño FDCP

Liza Dino nagpasalamat sa maiiwang posisyon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGULANTANG ang karamihan sa showbiz nang biglang ianunsiyong papalitan ni Tirso Cruz III si Liza Dinobilang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Bago kasi ito’y nagbaba ng kautusan ang dating Pangulong Rodrigo Duterto sa pag-extend ng posisyon hanggang 2025 ni Dino. Kaya marami ang umasang hindi pa ito papalitan.

Kasunod ng announcement sa pag-upo ng bagong FDCP chair, kinagabihan ay nagpahayag naman ng pasasalamat at pagpapalam si Liza sa maiiwan niyang  

posisyon. Ipinost niya iyon sa kanyang Facebook account.

Aniya, “Hi everyone, I’m still at the office. I just want to let you know the agency also read the latest development regarding the chairmanship of the FDCP online and while we haven’t received any official communication from the office of the President that we are preparing for a smooth process and turn-over ng FDCP to our new chair.

“And we will welcome him pagdating niya rito.

“And I just want to take this opportunity to thank everyone sa lahat ng suporta ninyo, sa lahat ng messages ninyo. Thank you so much for your love and support.” 

Marami naman ang nagbigay- suporta at pasasalamat kay Liza sa naging pagtulong ng kanilang departamento lalo na sa mga nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng Covid 19 pandemic. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tommie Mopia Gawad America award

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED Rni Rommel Gonzales IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …

Mikee Quintos Lianne Valentin

Mikee natatalbugan ng kontrabida

COOL JOE!ni Joe Barrameda Kung sa seryeng Lolong ay marami ang sumusubaybay sa Primetime ng GMA, ang Apoy Sa …

Rob Guinto Purificacion

Rob Guinto ‘di lang paghuhubad na-challenge rin sa Purificacion

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Rob Guinto sa tampok sa pelikulang Purificacion na …