Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras, Nicole Donesa
Mark Herras, Nicole Donesa

Mark at Nicole pinanindigan ang pagiging mag-asawa

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATUTUWA rin naman at sa kabila ng mga tsismis na medyo gipit daw sa pera ngayon si Mark Herras, pinakasalan na niya kahit na sa sibil lamang si Nicole Donesa. Sa ngayon marami ang nagpapakasal na lamang sa sibil dahil hindi mo naman malaman kung kailan bukas o sarado ang mga simbahan. Iyong iba, ang akala ay hindi maaaring ikasal sa simbahan kung nakasara iyon, pero ang totoo, sarado man ang simbahan, wala mang misa ay maaaring magkasal dahil iyan naman ay ibang sakramento

Ngayon kung dahil sa sitwasyon ay nagpakasal nga sila sa sibil ok na rin iyon dahil ang mahalaga ay gusto nilang panindigan ang kanilang pagiging mag-asawa.

Sabi nga nila, dapat naman pakasalan na ni MArk si Nicole lalo na’t naisilang na ang kanilang panganay na si Corky.

Pero kung sasabihin ngang pinakasalan ni Mark si Nicole dahil kay Corky, ano naman ang sitwasyon ngayon ng kanyang naunang anak na si Ada? Ano kaya ang sasabihin ngayon ni Diane Evangelista, ang nanay ni Ada?

Iyong nangyaring iyon sa buhay ni Mark, na nagkaroon nga siya ng anak na hindi niya inaasahan, ikinagulat din ng marami, dahil lumalabas na ipinagbuntis si Ada ng nanay niya noong panahong syota pa ni Mark si Inna Asistio. Sa simula’t simula rin, sinabi ni Mark na nag-usap naman sila ni Diane at nagkasundo kung paano nila magkatulong na palalakihin si Ada.

Siguro naman, ang asawa ni Mark ngayon na si Nicole ay nauunawaan iyon at hindi siya magiging hadlang kung gampanan man ni Mark ang tungkulin niya bilang ama ni Ada. After all, bago pa nagging sila, tao na si Ada. Sa ganyang sitwasyon, mas lalo ngang dapat na gampanan ni Mark ang tungkulin niya bilang tatay ni Ada. Hindi na nga

niya pinanagutan ang nanay niyon, pangatawanan naman niya ang pagiging tatay niya sa kanilang anak.

Wala na siyang relasyon sa nanay ng nauna niyang anak, pero nananatili ang kanyang responsibilidad sa bata, lalo’t inamin naman niya na siya nga ang tatay niyon.

Sana nga magampanan nang husto ni Mark ang responsibilidad niya ngayon bilang asawa ni Nicole gayundin ang pagiging tatay ni Corky at ni Ada rin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …