Tuesday , November 5 2024

Online probe vs Duterte sa EJKs puwede — ex-ICC judge

092121 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario

WALANG makapipigil sa International Criminal Court (ICC) na ilarga ang imbestigasyon sa crimes against humanity of murder kaugnay sa mga naganap na patayan sa drug war kahit harangin ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni dating ICC Judge Raul Pangalangan na may hurisdiksyon ang ICC sa mga krimen na naganap habang ang Filipinas ay kasapi pa ng Rome Statute.

“Investigations can be done via online video mechanisms,” sabi Pangalangan sa The Source sa CNN Philippines kahapon.

Puwede aniyang kilalanin ng ICC ang mga pahayag ng mga testigo para maging bahagi ng record upang maitaguyod ang sapat na batayan para maghain ng mga kaso laban sa mga akusado.

“The case and the investigation can move forward without the cooperation of the state. Because the only issue is whether there is enough evidence to support an indictment,” sabi ni Pangalangan.

“If that evidence is secured locally by witnesses who stepped forward within the Philippines and that evidence is sent on to The Hague, it will be available to support an indictment.”

Sakaling magkaroon ng indictment o pormal na hatol ang Pre-Trial Chamber, puwede nang umusad sa trial stage ang kaso.

Nanindigan ang Malacañang na walang obligasyon ang Filipinas na makipagtulungan sa ICC dahil hindi na kasapi ang bansa sa Rome Statute.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi  puwedeng basta pumasok sa bansa ang mga dayuhan kung walang long staying visa alinsunod sa CoVid-19 protocol.

“At dahil wala po tayong obligasyong makipag-cooperate, paninindigan natin ang ating hurisdiksyon at soberanya. Seloso po ‘yan, hindi po pupuwede na dalawang estado ang mag-i-exercise ng hurisdiksyon at ng soberanya,” ani Roque.

“Exclusive po ang pag-exercise ng hurisdiksyon at ng soberanya kaya ‘yan po ang dahilan kung bakit hindi puwedeng mag-imbestiga ang mga dayuhan sa mga krimen na nangyari po rito sa ating bayan. Now, that is a moot and academic question naman po kasi habang nandiyan pa po si CoVid, wala naman pong pupuwedeng pumasok dito kung hindi iyong mayroong long staying visas.”

About Rose Novenario

Check Also

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

Serbisyong legal para sa kapos-palad kaloob ng lawyers group at FPJ Panday Bayanihan party-list

SISIMULAN na ang mga serbisyong legal at konsultasyon sa darating na Biyernes, 8 Nobyembre, makaraang …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *