Friday , May 16 2025
Klinton Start, SMAC Pinoy Ito

Klinton Start miss na ang mga kasamahan sa SMAC Pinoy Ito!

MATABIL
ni John Fontanilla

NAMI-MISS nani Klinton Start ang pagte-taping. Simula kasi ng mag-pandemic, pansamantalang nahinto ang regular show nila sa  IBC 13, ang SMAC Pinoy Ito! na nominado sa 34th Star Awards For Television para sa kategoryang Best Musical Variety Show.

Pati ang mga kasamahan nito sa nasabing programa ay miss na miss na rin niya dahil halos matagal na rin silang ‘di nagkikita at nagkakasama.

Mabuti na lang ay may pailan-ilang guesting ito sa mga show ng Net 25 kaya kahit paano, mayroon pa rin siyang raket. Pero siyempre, iba pa rin ang may regular show dahil  every week ay napapanood ka.

Wish nga nito na matapos na ang pandemya para bumalik na muli ang sigla ng showbiz. Sa ngayon, naka-focus muna si Klinton sa kanyang pag-aaral na kasalukuyan siyang nasa kolehiyo.

About John Fontanilla

Check Also

Child Haus 2025

Taunang Gift Giving and Feeding project ng TEAM sa Child Haus, matagumpay!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING matagumpay ang taunang outreach project ng TEAM (The Entertainment …

Dingdong Dantes Charo Santos-Concio PBB

Charo at Dingdong pumasok sa PBB

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pagpapatuloy ng weekly tasks ng housemates kaugnay ng The Big Carnival charity …

Bong Revilla

Supporters ni Bong nasaktan sa pagkatalo, ‘di pagkasama sa Top 12

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang nagtataka kung bakit binura o tinanggal ni  Bong …

Willie Revillame Will to Win

Willie ‘di pa raw makausap, kasamahan sa production kanya-kanya nang hanap ng raket

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BALITANG nagsisintir pa rin at hindi makausap ng maayos si Willie Revillame matapos nga …

Ashtine Olviga Andres Muhlach Mutya ng Section E

Seryeng nagpasikat sa loveteam nina  Andres at Ashtine mapapanood na sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo SA May 19 ang simula ng Mutya ng Section E sa TV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *