Friday , November 15 2024

DOH-CALABARZON umaksiyon vs kapabayaan ng Quezon provincial gov’t sa CoVid-19 victims

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA WAKAS, kumilos na rin ang Department of Health- Calabarzon kaugnay sa napaulat na nadiskubreng mga bangkay na nakatengga sa isang bahagi ng Quezon Medical Center (QMC) sa lungsod ng Lucena.

You heard it right, nakialam na nga ang ahensiya. E paano kaya kung hindi ito sumabog sa media, ibig sabihin, maaaring hanggang ngayon ay nakatengga at tuluyan nang nabulok ang mga bangkay sa ospital?

Pero mabuti na lamang at may mga kuhang retrato at video ang isang concerned citizen/kawani ng ospital  na pumukaw sa atensiyon ng DOH, kung hindi ay maraming nagpupunta sa ospital, lalo ang kawani at health workers, ang maaaring mahawaan ng nakamamatay na virus.

Ano pa man, nakatutuwa na rin dahil iniimbestigahan na ng DOH ang ospital sa nadiskubreng pagpapabaya sa mga bangkay ng CoVid-19 patients.

Sa interbyu ng ABS CBN kay  DOH-Calabarzon Director Eduardo Janairo, aniya, iniimbestigahan na nila ang lumabas na footages ng mga nabubulok na bangkay mula sa kuha ng isang nagmamalasakit na kawani ng ospital.

Makikita sa video footage ang isang bangkay na inuuod sa loob ng body bag gayong may kautusan ang DILG at DOH na ang mga namatay sa CoVid-19 ay kailangang i-dispose sa loob ng 12 oras.

Sinabi ni Dir. Janairo, ang gusto ng karamihan sa mga kaanak ng namamatay sa CoVid- 19 virus ay mai- cremate agad ang bangkay ng mga namatay.

Gayonman, dahil sa kakulangan ng crematorium sa lalawigan ng Quezon ay puwede rin aniyang selyohan sa body bag ang mga bangkay gayondin ang ataol na paglalagakan saka ililibing.

Ang Quezon Medical Center (QMC) ang panlalawigang ospital ng Quezon ay nasa ilalim ng pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Gov. Danilo Suarez.

Naghugas-kamay ang pamunuan ng ospital at itinuro ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang local government unit na responsable sa mga bangkay.

Hindi itinanggi ng pamunuan ng pamahalaang Quezon  ang  pagdagsa ng mga CoVid-19 patients sa ospital.

Pero ang tanong, bakit nangyari ang insidente – ang hayaan ang mga bangkay na nakatiwangwang? Ito nga ba ay isang patunay na kulang sa kahandaan ang pamunuan ng ospital o ang pamahalaang panlalawigan sa pakikipaglaban sa CoVid-19?

Teka, Gov. Suarez, nabanggit mo noon sa isang interbyu na handing-handa na kayo sa pakikipaglaban sa CoVid-19 at katunayan, November 2019 pa kayong nakapaghanda?

Gov. Suarez, iyan bang mga nakatenggang bangkay sa ospital ang patunay na handing-handa na ang inyong gobyerno laban sa CoVid-19?

Hindi rin naman linggid sa inyong kaalaman na araw-araw ay may namamatay sa CoVid-19 sa lalawigan.

Sa nadiskubreng kapabayan, masasabing malaking kahihiyaan at dagok ito sa pangasiwaan ng ospital, lalo sa lokal na pamahalaan.

Iyan ba iyong sinasabing nakahanda na ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon? Anong sey mo Gov. Suarez? Mukha taliwas yata ang lahat sir?

Sa DOH Calabarzon naman, sana ay may katuturan ang imbestigasyon ninyo at hindi papogi lang.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *