BUO ang loob ni National Master (NM) Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes ng Santa Rita, Pampanga nang habulin at talunin sa huling sigwada ang kababayang si Christian Tolosa ng Imus City, Cavite, 4-3, sa isang Armageddon penalty shootout para maghari sa Mobile Chess Club Philippines Match Up Series Rapid Edition online tournament virtually na ginanap nitong Biyernes, Setyembre 17, 2021 sa Chess.com Platform.
Sina Reyes at Tolosa ay parehong nakapaglista ng 3 points matapos ang anim na laro. Tangan ang itim na piyesa at tabla lang ang kailangan ng huli para manalo sa match sa extra tie breaker, pero hindi sumuko ang 10-year-old Reyes at matiyagang pinag-isipan ang laban hanggang sa mamate niya ang siyam na taong gulang na si Tolosa na Grade 4 student ng Buhay Na Tubig Elementary School sa Imus City, Cavite matapos ang 69 moves ng Queen’s Gambit Declined, Three Knights Variation.
Bandera si Tolosa, 0-2, sa Rapid play (10 +10) matapos ang first two points, race to 2.5 points (Best of four games), draws will be counted ay nagawa din ni Reyes manalo sa next two games para makapuwersa sa tie ang score matapos ang regulation (2-2 score).
Sa 2 blitz game (5+3 time control) tie-break ay nauwi sa tabla ang dalawang games para humantong sa armageddon games sa 16 years old and below tournament na adopted ang meltwater format tampok ang dalawang batang manlalaro ng Philippine Chess.
Si OJ ay nakatakdang maglaro sa Eastern Asia Youth chess championship mula Oktubre 1-3, 2021.
Nasungkit niya ang titulo ng National Master (NM) matapos maghari sa 2021 National Age Group Hybrid Chess Championships Grandfinals Under-10 division na ginanap online via Tornelo platform nitong Hunyo 26 hanggang 29, 2021.