MA at PA
ni Rommel Placente
NAGING emosyonal si Ai-Ai delas Alas nang makatanggap ng bouquet of orange flowers mula sa asawang si
noong September 12, bilang pagbati sa kanilang monthsary.
Nasa America ngayon si Gerald para sa badminton tournament, pero nagawa pa nga rin niyang padalhan ng bulaklak ang komedyana. Ipinagdiriwang ng dalawa ang kanilang monthsary tuwing a-12 ng buwan.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ai-Ai ang larawan ng bouquet of orange flowers na ipinadala sa kanya ni Gerald.
Sa kanyang caption sinabi niya na naiyak siya sa ginawa ng mister dahil hindi nito nakalilimutan ang kanilang monthsary. Nagpasalamat din siya sa Panginoon dahil bukod sa maayos ang kanilang pangangatawan, ibinigay pa Nito sa kanya si Gerald. Wish lang niya na hindi magbago si Gerald.