Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelika Santiago
Angelika Santiago

Angelika Santiago, super-happy sa ine-endorse na mga produkto

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BUKOD sa paghahanda sa nalalapit na lock-in taping ng Prima Donnas Book-2, kabilang sa pinagkaka-abalahan ng magandang teen actress na si Angelika Santiago ang mga produktong kanyang ine-endorse.

Si Angelika ang brand ambassador ng Glomar & GHPC General Merchandise. Kabilang sa epektib na produkto nito ang B-ing White Skin Care Whitening Soap, B-ing White Skin Care Foaming Facial Wash, B-ing White Skin Care Face Toner, KERAcream shampoo, Vitamin-C, Parabetic na gamot sa diabetes, Natural Blend 4 in 1 Coffe, Vitamin-C, at iba pa.  

Ang lahat ng ito ay available sa Lazada.

Ipinahayag ni Angelika ang kagalakan bilang endorser nito.

Aniya, “Yes po, super-happy po ako na maging endorser ng mga product na ito, bale, ng iba’t ibang products po.”

Dagdag pa ni Angelika, “Iba-iba po ito, pero karamihan po ay sa skin care and hair care products po.”

Nabanggit din niya ang naramdaman nang nalamang magbabalik siya sa kanilang top rating Kapuso serye na tinampukan nina Aiko Melendez, Katrina Halili, Wendell Ramos, Jillian Ward, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Gina Alajar.

“Ang naging initial reaction ko po nang nalaman kong part pa rin ako ng Book 2 ng Prima Donnas, sobrang masaya na makakapagtrabaho po ulit and makakasama ko na ulit ang mga co-actors ko po. And at the same time, malungkot din po kasi siyempre, medyo mapapalayo sa pamilya,” lahad ni Jelay (nickname ni Angelika).Ayon pa sa aktres, pansamantala muna siyang tumigil sa pagva-vlog ngayon. “Yes po, tumigil muna po ako sa pagva-vlog… Actually, magre-restart po ako ng content ko, kaya recently po ay hindi po ako nag-a-upload. Kasi, nagwe-wait po muna ako sa Prima Donnas,” nakangiting saad pa ni Angelika.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …