Wednesday , June 24 2026
Angelika Santiago
Angelika Santiago

Angelika Santiago, itinulong sa mga kapos-palad ang pang-debut

SA May 31 ay 18th birthday ng magandang teen actress na si Angelika Santiago. Ngunit dahil sa pandemic, imbes na magdaos ng engrandeng debut ay nagpasya si Angelika at ang kanyang parents na sina Mr. Butch at Ms. Bhing na itulong na lang ang pera sa mga kapos-palad.

Ani Angelika, “Ito na po yung parang magiging debut ko na rin, parang same rin po noong nag-birthday ako noong 13 ako, nag-donate rin po kami ng mga pagkain, ng mga gamit sa mga matatanda po, at iba pa po.”

Sila’y nag-donate sa Sister Handmaids of Charity of St. Vincent de Paul at Kanlungan ni Maria-Home for the Aged. Plus, magbibigay din sila ng pagkain sa mga taong nasa kalye.

Esplika pa ng Kapuso actress, “Actually, wala po talaga sa plano iyon, dahil hindi po ba supposedly ay magde-debut ako? Pero ang ginawa na lang po namin ni mama, since pandemic ngayon, naisip namin na mag-donate na lang ulit doon sa same place, and halos every year naman po ay nagdo-donate kami roon.

“Ang plano po talaga (sa debut) ay simpleng celebration na lang, wala pong big celebration. Kasi siyempre po, naisip po namin una sa lahat, iyong mga taong walang makain sa panahon ngayon ng pandemic. Kaya naisip po namin na mag-donate na lang ng mga pagkain sa mga taong nasa kalsada. Magbibigay na lang po kami ng mga pagkain sa kanila,” saad pa ng akteres na mapapanood very soon sa TV series ng Net25 titled Love From The Past starring Claire Ruiz, Francis Magundayao, Sean de Guzman, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.

Ano ang kang birthday wish? “Ang birthday wish ko po ay good health sa family ko at sa akin din po. Tapos, sana po ay mag-end na rin ang pandemic para tuloy-tuloy na rin ang mga project. Kasi po ay ang daming nawala talaga, eh. Sa showbiz career ko po, wish ko po na sana ay mag-bloom pa po lalo iyong career ko, kasi ay excited na po ako sa mga dapat mangyari noong time na wala pong pandemic.

“Ang isa pa po sa wish ko ay parang gumaling din po ako sa acting skills ko. Nagfo-focus po ako sa talents ko, sa dancing, singing, nagfo-focus po talaga ako nang sobra. Nagte-training po ako ng solo ngayon, dati po ay nagte-training ako kay Sir Jojo Acosta, as my voice coach. Pati po sa acting workshop, dati ay nag-undergo po ako kay Tita Gladys Reyes, tapos ay nag-PETA theater din po ako. Kaso ay natigil po dahil sa school,” lahad pa ni Jelay (nickname ni Angelika).

Please follow Angelika on Tiktok: @angelikasantiago_ at mag-subscribe rin sa vlog niya (youtube channel) – Angelika Santiago.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …