INIANUNSIYO ni Mayor Cipriano Violago, Jr., ng San Rafael, Bulacan sa kanyang Facebook account na siya ay positibo sa CoVid-19.
Ayon sa alkalde, ilang araw na siyang nakararamdam ng flu-like symptoms kung kaya agad siyang sumailalim sa RT-PCR test.
Pahayag ni Violago, naka-quarantine na siya simula nang magkaroon ng sintomas pero patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa Municipal Health Office.
Aniya, “Sa ngayon ay mabuti na ang aking lagay at sa patnubay ng ating Poong Maykapal, ito po ay mapagtatagumpayan natin.”
Hiling niya sa publiko ang panalangin para sa lahat ng lumalaban sa nakahahawang virus. (MICKA BAUTISTA)