NAMI-MISS na ni Barbie Forteza ang gumawa ng indie film.
“Naku, sa totoo lang, miss na miss ko na! Miss na miss ko na umarte, in general dahil… may work ako ngayon pero ‘All Out Sundays’ so super-dance ‘di ba, super-host.
“Na nae-enjoy ko rin kasi kasama ko ‘yung mga kaibigan ko roon and enjoy na enjoy ako talaga ang variety [show], natsa-challenge ako everytime na sumasayaw ako.
“Pero siyempre hindi pa rin mawawala sa akin ‘yung first love ko, which is pag-arte na huli ko pang na-experience e dito sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’”
Nagbida si Barbie sa Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Captain Barbie ng GMA.
“Sobrang fun, very cool, very sweet ‘yung character. Pero ang pinaka- nami-miss ko talaga is ‘yung heavy, heavy drama. So sana, sana makagawa ako ulit, teleserye man ‘yan o pelikula.
“Gusto ko ng umarte ulit,” pahayag pa ni Barbie.
(ROMMEL GONZALES)