Tuesday , November 5 2024

APOR ‘di Puwedeng Umuwi Sa ‘Pakulong’ Granular Lockdowns (Eksperto nabahala)

WALANG taong papayagang maglabas-pasok sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown kahit klasipikadong authorized person outside their residence (APOR).

Ito ang ‘bagong pakulo’ at umano’y mas mahigpit na patakarang ipatutupad ng lokal na pamahalaan sa mga piling lugar na isasailalim sa granular lockdown sa National Capital Region kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) simula bukas, 8 Setyembre.

“Alam natin na ang granular lockdowns, it can be on a per house basis or it can be on a per street basis, it can be on a district basis, it can be on a barangay basis,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Malacañang virtual press briefing kahapon.

“Itong localized lockdown na ito… is not the same granular lockdown that we knew [before]. One innovation is kung ika’y APOR, you can leave [your home] but you can no longer go back until matapos ‘yung granular lockdown. Wala talagang labas-pasok. For APORs, you can leave once,” aniya.

Ang mga APOR ay mga taong pinahihintulutan lumabas ng bahay tuwing may mahigpit na CoVid-19 lockdown gaya ng mga manggagawa, kumukuha ng pagkain, at iba pang basic necessities, naka-schedule magpabakuna laban sa CoVid-19, at iba pang may emergency needs.

Ibig sabihin, kailangan maghanap ng uupahan para pansamantalang uuwian ang APOR na lumalabas ng kanyang bahay para maghanapbuhay kapag ang kanilang lugar ay isinailalim sa granular lockdown.

Ayon kay Roque, kahit lokal na pamahalaan ang magdedesisyon kung ilalagay sa granular lockdown ang mga lugar o hindi, magiging kahati nito ang national government sa responsibilidad ng pagbibigay ng ayuda sa mga naturang lugar at ihahayag niya ngayon ang iba pang mga dagdag na detalye.

Nauna nang inihayag ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na ang implementasyon ng bagong patakaran ay para hindi magsara ang buong mga lungsod o probinsiya kung iilan lang naman ang natukoy na CoVid-19 hotspots sa lugar.

EKSPERTO NABAHALA

PARA sa ilang eksperto, hindi ito ang tamang panahon para mag-eksperimento ang gobyerno sa pagtugon sa pandemya lalo na’t lomolobo ang kaso ng CoVid-19 sa bansa.

“We’re concerned that if this does not work, at a point when we’re actually seeing that the curve might plateau soon in two to three weeks, there’s a chance that we might lose effective control of the pandemic and it will become much worse than it is,” sabi ni Prof. Guido David, research fellow ng naturang grupo sa panayam sa ANC kahapon.

Base aniya, sa mga nangyaring granular lockdowns, walang nakitang ebidensiya na epektibo ito sa panahong nararanasan sa bansa ang malawakang community transmission.

“We’re not saying it will happen but we’re saying that — you know, based on history — there’s a significant chance that it may happen… Regarding the granular lockdowns in the past, we have not seen evidence that it has been effective when we have a widespread community transmission.”

Nanawagan si health education and reform advocate Dr. Tony Leachon sa pamahalaan na itigil ang eksperimento sa panahon ng health crisis.

“It’s counterintuitive when most of the areas in NCR are in alert level 4. We should not experiment during crisis especially if the numbers are scary to start with, dig deep for the root cause,” aniya.

Binigyan diin bg doktor na kabilang sa realidad na dapat harapin sa bansa ay puno na ang mga ospital at demoralisado ang healthcare workers.

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

Serbisyong legal para sa kapos-palad kaloob ng lawyers group at FPJ Panday Bayanihan party-list

SISIMULAN na ang mga serbisyong legal at konsultasyon sa darating na Biyernes, 8 Nobyembre, makaraang …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *