Saturday , November 16 2024
human traffic arrest

Lola timbog sa Pampanga (Wanted sa human trafficking)

DINAMPOT ng mga awtoridad ang isang senior citizen na wanted sa kasong human trafficking sa inilatag na manhunt operation sa bayan ng Minalin, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng tanghali, 3 Setyembre.

Sa ulat mula kay P/Col. Arnold Thomas C. Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, napag-alamang nagkasa ang mga operatiba ng Minalin Municipal Police Station (MPS) ng manhunt operation sa Brgy. Lourdes, sa nabanggit na bayan na nagresulta pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Filomena Singca, 65 anyos, may asawa, at residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, si Singca ay may standing warrant of arrest na nilagdaan ni Judge Marinel Agudo-Santos, presiding Judge ng Cabanatuan City RTC Branch 23 para sa kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) na inamyendahan ng RA 10364 (Expanding Anti-Trafficking in Person Act of 2012).

Pinuri ni PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon, ang operating troops para sa naging maayos na trabaho at pinagdiinang mahaharap ngayon sa prosekusiyon si Singca upang sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *