Saturday , November 16 2024

P1.38-M ‘damo’ nasamsam 3 tulak arestado sa Bulacan

TINATAYANG higit sa P1.38-milyong halaga ng hinihinalang marijuana ang nakompiska sa tatlong pinaniniwalaang tulak na nadakip sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes ng madaling araw, 2 Setyembre.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan police, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Bocaue Municipal Police Station (MPS) Drug Enforcement Unit (DEU) bilang lead unit, kasama ang Guiguinto Municipal Police Station (MPS), Special Concerned Unit (SCU) sa ilalim ng Regional Intelligence Division (RID3), Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company, at Bulacan Provincial Intelligence Branch (PIB) na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong suspek.

Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Robert Anthony Valeriano ng Brgy. Bagumbayan, Bocaue; at John David Valbuena alyas JD, ng Brgy. Dakila, Malolos, kapwa kabilang sa PNP-PDEA Unified Drug Watchlist; at Ardie Manalaysay ng parehong barangay.

Nasamsam mula sa mga suspek ang may kabuuang 46 kilo ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana na tinatayang may street value na P1,380,000.

Kinabibilangan ito ng 46 pirasong tangkay (stalk) ng tuyong dahon ng marijuana, isang puting JRS Express plastic bag na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, isang timbangan, at sari-saring drug paraphernalia.

Dinala ang mga nakompiskang ebidensiya sa Bulacan Crime Laboratory para sa pagsusuri samantala inihahanda ang kasong kriminal na paglabag sa Section 5, 11, at 26 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek na isasampa sa City Prosecutors Office, sa lungsod ng Malolos. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *