Tuesday , November 19 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Sindikato

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

NAKAGIGIMBAL ang nangyayari ngayon sa ilalim ng administrasyon ni Rodrigo Duterte. Halos araw-araw may pangit na balita na mas madalas sa hindi ang mamamayang Filipino ang dehado. Ang bagong pasabog mula sa kuyukot ng administrasyon ay ang isyu ng Pharmally Pharmaceutical Corp., at ang mga kasapakat sa gobyernong Duterte.

Nagkaroon ang nasabing kompanya ng transaksiyon na nagkakahalaga ng P8.7 bilyon kahit ang Pharmally Pharmaceutical Corporation ay itinatag lamang noong Mayo 2020.

Sa isang Senate hearing, isiniwalat ni Senador Franklin Drilon ng oposisyon na sa ilalim ng kontrata sa pagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), napresyohan ng Pharmally Pharmaceutical Corp., ang kanilang facemask sa halagang P27.72 bawat isa.

Nabulaga si Drilon nang malaman niya na ang bentahan ng facemasks noong Mayo 2020 ay nasa P13.50 hanggang P17.50 kada piraso. Nalaman din na ang isa sa mga key players sa nasabing kompanya ay si Michael Yang, dating special adviser to the President, at isa siyang mainland Chinese. Matatandaan na kasama ni Yang si Duterte at Bong Go sa Tsina noong 2017.

Dahil sa mga natuklasan, sinabi ni Senador Drilon na nararapat ungkatin ang mga transaksiyon ng Pharmally at pamahalaan na dawit ang ilang opisyal na malapit kay Duterte.

Ani Senador Drilon: “Ang Pharmally po ang susi para malaman kung sino ang nasa likod nito… Patuloy nating tingnan kung totoo ito at ano ba ang nangyari.”

Maliwanag na hagaran ang naging pangungulimbat ng mga kasapakat ni Duterte na itinalaga niya sa iba’t ibang sangay ng gobyerno. At lahat ito ay may kalakip na patunay at patotoo ng mga nandoon. Nakagagalit at nakaiiyak dahil harapan na ang kawat ng mga haragan.

Unti-unting nawawala ang mga kakampi ni Mr. Duterte. Ilan sa kanila tulad ni Emmanuel Paquiao, Richard Gordon, at Ping Lacson, ngayon ay pumapalag, hindi dahil ihinagis nila ang kanilang sombrero sa pagkapangulo sa 2022. Nakikita nila na mas makasasama ang manatili sila sa hanay ng mga pro-Duterte. Tama ang pagsusuri ng kaibigan at kapwa peryodista sa mga nagaganap ngayon sa hanay ni Duterte. Tingin niya hindi makabubuti sa isang politiko, lalo na kung may ambisyon na mahalal ulit, na manatiling tagasuporta niya. Nakikita niya ang nagiging galaw ng mga nagpasyang bumaligtad.

Ani Roly Eclevia: “Now it is their turn to even up the score. The former allies sense weakness in the man. They are just nipping at him now, but they can see they are drawing blood. Expect a feeding frenzy.”

Dahil kapansin-pansin na nasisiraan na ng bait si Duterte, nababahala ang maraming kababayan sa lagay ng ating bansa ngayon. Maliwanag ang nakasaad sa Saligang Batas. Kung sakaling hindi na makakayanan ng nakaupong presidente na gampanan ang kanyang tungkulin, dapat makialam na ang pangalawang pangulo at siya na ang manungkulan. Huwag na niyang hintayin ang Oktubre dahil nanganganib na ang Republika. Huwag na siya magpatumpik-tumpik at magdesisyon na. Nasa likod niya ang sambayanan , sampu ng AFP, PNP. Kaya ‘wag siyang mangamba.

Kaya nakikiusap kami. Magpakita na po kayo ng katatagan ng gulugod. Hindi na karapat-dapat manatili si Duterte sa Malacañan. Nasisiraan na siya ng bait. Gawin ninyo ang tungkulin ninyo, ayon sa nakasaad sa Saligang Batas. Palitan ninyo si Duterte. Kapag hindi kayo kumilos, nanganganib ang bansa natin na tuluyang lumubog.

*****

Mga Piling Salita:

WE let unmolested those who set the fire to the house, and prosecute those who sound the alarm.

– Nicolas Chamfort (c/o Maris Hidalgo)

TO announce that there must be no criticism of the President, or that we are to standby the President right or wrong, is not only unpatriotic and servile, it is morally treasonable to the republic.

    – Theodore Roosevelt (c/o Maris Hidalgo)

Sonny Trillanes: “It is the first responsibility of every citizen to question authority. Kapag mali, punahin. Kapag tama, purihin. Hindi puwedeng kahit mali ay manahimik na lamang at lahat ay tanggapin. Ano ka, duterte, sinusuwerte?!”

Bob Magoo: “Duterte will probably ride on his supposedly high public trust rating to survive this crisis but he has lost another claim that his government has been successful in fighting corruption. Meanwhile, the opposition has found a smoking gun that they can use to their advantage to demand accountability and defeat the electoral plans of Duterte and his family.”

Ping Lacson (on President Rodrigo Duterte’s insults against him): “I don’t know what President Duterte is talking about when he commented on my hairstyle. I haven’t changed the way I comb my hair, since long before he had lost his mind.”

[email protected]

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *