Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fake Covid-19 Vaccine card
Fake Covid-19 Vaccine card

Pekeng vaccination card ibinibenta (Lalaki timbog sa Cebu)

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking hinihinalang nagtitinda ng pinekeng vaccination cards sa lungsod ng Cebu, nitong Lunes, 30 Agosto.

Nabatid na nasukol ng pulisya ang suspek na kinilalang si Clifford Arcilla, 46 anyos, sa loob ng isang printing shop sa Sanciangko St., sa nabanggit na lungsod,  kung saan ginagawa ang mga pekeng vaccination card bago ibenta sa kanilang mga kliyente.

Ayon kay P/Lt. Albe Codilla, deputy chief administration ng Cebu City Police Office Station 5, nakatanggap sila ng ‘tip’ kaugnay ng ilegal na pagpi-print ng vaccination cards na ibinebenta nang patago sa lungsod.

Ani Codilla, nagkasa sila ng entrapment operation nang matiyak ang impormasyong ibinigay ng tipster.

Inalok ng suspek ang undercover na pulis ng pekeng vaccination card nang magtungo sila sa printing shop saka pinasagutan ang ilang form at pinagbayad ng P450.

Matapos ang isang oras, bumalik ang pulis para kunin ang pinagawang vaccination card mula sa suspek.

Dito agad dinakip ng mga awtoridad si Arcilla.

Ayon kay P/Lt. Codilla, sasampahan ng kasong falsification of public documents ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …