Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
 Robin Padilla, Mariel Rodriguez
 Robin Padilla, Mariel Rodriguez

Robin at Mariel magkahiwalay ng tulugan

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MATAGAL na palang ‘di sa iisang kuwarto at iisang kama natutulog sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. 

May lihim na problema na ba ang mag-asawa? Isang araw ba ay mababalitaan na rin natin na sumunod na sila sa anak ni Robin na si Kylie Padilla na hiwalay na si mister nitong si Aljur Abrenica? Hiwalay na! 

Hinarap ni Mariel sa vlog n’ya kamakailan ang intrigang ‘yon tungkol sa kanilang mag-asawa. 

Totoo naman na medyo matagal na silang ‘di natutulog sa isang kuwarto. 

Pero hindi dahil ‘yon sa may iringan silang mag-asawa at may lamat na ang pagsasama nila. 

“People always wonder why we don’t sleep together in the same room. Because right now, mas kailangan pa ako ng kids,” bulalas ni Mrs. Robin Padilla. 

Napaka-hands on palang ina ni Mariel. Ayaw n’yang ang dalawang anak nilang babae ay matulog na ang kapiling sa kuwarto nila ay ang mga yaya nila. 

Maglilimang taon na rin ang panganay na si Isabella at magdadalawang taon na si Gabriela

Okey lang naman kay Robin ang ‘di nila pagtulog sa iisang kuwarto. Naniniwala siyang may panahon na babalik sa kuwarto nila si Mariel. 

Pahayag mismo ni Mariel sa kanyang vlog: ”Time will come, I know, nasabi mo nga, na babalik din ako sa ‘yo.”

O, ‘di ba, in love na in love pa rin sa isa’t isa sina Robin at Mariel! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …