MAGHAHARAP muli sina GM Magnus Carlsen at GM Wesley So sa 1st round ng Aimchess US Rapid para sa karera sa Champions Chess Tour (CCT) overall title.
Inaasahan na matalas ngayon ang kundisyon ni So pagkaraang dominahin ang Grand Chess Tour.
Bandera ngayon si Carlsen sa hanay ng mga bigating grandmasters sa CCT overall title, na tanging si So ang may maliit na tsansa na makasilat sa world’s no.1 chess player.
Bukod kay Carlsen, makakaharap ni So, ang CCT’s three-leg winner, sina Jan-Krzysztof Duda, Santosh Gujrathi Vidit, Le Quang Liem, at Alireza Firouzja sa first set ng 15 preliminary matches.
Sina So at Carlsen ay tanging two-leg winner ay umabante sa quarterfinals bawat isa sa unang walong legs ng $1.6-million CCT at inaasahang sasampa uli Aimchess US Rapid.
Ang iba pang kalahok sa nasabing chess tour na kukumpleto sa elite 16-man field ay sina Shakhriyar Mamedyarov, Levon Aronian, Anish Giri, Leinier Dominguez, Maxime Vachier-Lagrave, Vladislav Artemiev, Jorden van Foreest, Eric Hansen, at Awonder Liang.
Ang Top 8 pagkaraan ng single round-robin ay aakyat sa quarterfinals, na ang laro ay kakambiyo sa knockout.
Lumahok si So sa katatapos lang na Singuefield Cup na napanalunan ni Vachier-Lagrave at lumanding sa pangalawang puwesto katabla si Fabiano Caruana at Dominguez.