Thursday , December 19 2024

2 bangkay ng lalaki lumutang sa Malabon City

DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalang nalunod ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 head P/Maj. Patrick Alvarado, dakong 6:00 am, nitong Lunes, nang makita ng ilang joggers ang bangkay ni Ernesto Francisco, Jr., 29 anyos, residente sa Bernales II, Brgy. Baritan na nakalutang sa Megadike Riverbank, Brgy. Dampalit.

Ipinaalam ng mga nakasaksi ang insidente kay Ex-O Fernando Ramos, 42 anyos, ng Brgy. Dampalit, na siyang nagreport sa SS7 na nagresponde sa naturang lugar.

Sa pahayag ng ama ng biktima na si Ernesto Sr., kina P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Diego Ngippol, kapwa may hawak ng kaso, madalas umalis ng kanilang bahay ang kanyang anak na walang paalam at nakikipag-inuman kung saan sa Brgy. Dampalit at gabi na kung umuwi.

Dakong 4:00 pm noong 28 Agosto, umalis ang biktima sa kanilang bahay ngunit hindi na nakauwi hanggang matagpuang patay.

Sa isinagawang cursory examination ng mga tauhan ng SOCO, nakitaan ng mga pasa sa ulo at katawan ang biktima.

Dakong 6:00 am, sa Brgy. Potrero, isang bangkay din ng hindi kilalang lalaki na tinatayang nasa 25-30 ang edad, 5’5” ang taas, nakasuot ng shorts at walang suot na damit pang-itaas ang natagpuang nakalutang sa San Miguel Compound sa Industrial Road.

Sa pahayag ng saksing si Gerardo Dueñas, 47 anyos, tug boat operator kina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, kapwa may hawak ng kaso, naglilinis siya ng kanilang tug boat nang makita ang nakalutang na bangkay ng biktima. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto Manila Seal of Good Local Governance SGLG

Mayor Honey, muling gumawa ng kauna-unahang record sa kasaysayan ng Maynila

MULI na namang gumawa si Manila Mayor Honey Lacuna ng kauna-unahang record sa kasaysayan ng …

Sarah Discaya

Pasaring ni Mayor Vico sinagot ni Ate Sarah para sa Pasigueños
“12 DAYS OF XMAS” FREE CONCERT, AYUDANG TULOY-TULOY, 5-KILO RICE KADA PAMILYA BILANG PAMASKONG HANDOG“

“TWELVE Days of Christmas” free concert at tuloy-tuloy na ayuda sa maralitang Pasigueños ang naging …

Lungsod ng Pasay nagliwanag sa kamangha-manghang 36-talampakang Pasko

Lungsod ng Pasay nagliwanag sa kamangha-manghang 36-talampakang Pasko

IPINAGDIWANG ng Pasay City ang pagsisimula ng Christmas season sa pamamagitan ng pag-iilaw ng isang …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *