Tuesday , November 19 2024
COA Martin Delgra III LTFRB
COA Martin Delgra III LTFRB

P5.5-B pondo para sa PUV drivers & operators pinatulog ni Delgra (LTFRB binalaan ng COA)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

MANTAKIN ninyo mayroon palang inilaan ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) na P5.5 bilyong pondo bilang tulong sa mga public utility vehicles (PUV) drivers and operators sa panahon ng pandemya pero pinatulog lang nitong si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Martin Delgra III?!

At kung hindi pa sila nabalaan ng Commission on Audit (COA) ay hindi magdedeklara sa publiko na ibabalik ang pondo na ayon sa COA ay 1% lang ng P5.5 bilyon ang nagamit.

“Delays in the implementation of the Service Contracting Program ranging from 2 to 10 weeks as at December 31, 2020 resulted in the minimal fund utilization of only P59,720,089.25 or 1.07% of the total project fund of P5,580,000,000, thereby delaying the intended benefits to the PUV drivers and operators,” pahayag ng COA sa kanilang 2020 Annual Audit Report.

“Furthermore, only a total of 29,871 drivers or 49.79% of the 60,000 targeted driver-participants were registered in the Program as at year-end,” dagdag ng state auditor.

E ano palang ginawa nitong si Delgra? Nagpalaki lang ng bayag sa opisina niya o sa bahay, sa panahon na maraming PUV drivers and operators ang nagugutom?!

Ikanatuwiran o sinisi pa ang proseso ng koleksiyon ng data at preparasyon ng payroll kaya raw hindi sila nakaabot sa deadline na June 30.

Ang pandemya ay nagsimula noong Marso 2020 pa, ibig sabihin, hindi man lang nagsikap si Delgra na makipagtalastasan sa mga operators o sa mga organisasyon ng mga PUV para gunawa ng database?!

Mukhang ang pinag-isipan ni Delgra ay kung paano tatsaniin ang pondong P5.5 bilyon hindi ang makatulong sa PUV drivers & operators na matagal na nilang pinahihirapan.

Pinagkatipid-tipid o talagang hindi pinagsikapan na ipatupad ang programa para sa PUV drivers & operators na apektado ng pandemya para matsani ang P5.5 bilyones?!

Hindi ba’t ang dami pang nagreklamong operator ng EDSA bus carousel na hindi sila binabayaran gayong mayroon palang malaking pondo?!

Akala siguro nitong si dating butiking mulagat na ngayon ay para nang si Lolong, e hindi sila madadale ng COA.

Ngayon ay bigla pang nagdeklara na 26.55 percent daw ng total budget ng Service Contracting Program ang nai-release nila?

Mula sa 1.07% ay biglang naging 26.55 percent?!

Paging lang po COA!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *