Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas
Navotas

Navotas kompletong nakapamahagi ng P199.8-M ECQ ayuda

NAKAKOMPLETO ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa pamamahagi ng national government allocation para sa enhanced community quarantine (ECQ) ayuda.

Nasa P201,407,000 ang naipamahagi ng lungsod sa 62,600 pamilyang Navoteño hanggang 25 Agosto.

Nasa P199,871,000 ang pondo mula sa national government, habang P1,536,000 ang mula sa pamahalaang lungsod.

“We were able to finish the distribution of ECQ ayuda within the 15-day deadline.  We are thankful to all our city government and barangay employees, as well as personnel of the Philippine National Police – Navotas, who took on the task of delivering prompt and efficient services in all payout venues,” ani Mayor Toby Tiangco.

Muling naglaan ang Navotas ng P24,610,000 para dagdagan ang ECQ cash aid budget.

Sakop ng local fund ang cash assistance ng persons with disability, solo parents, at ang natitirang benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Makikinabang din dito ang mga indibiduwal at pamilya na hindi pa nakatatanggap ng kahit anong financial assistance.

“Our grievance and appeals committee has started validating requests of constituents who have not received any cash assistance since the community quarantine began last year,” sabi ni Tiangco. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …