Saturday , November 16 2024

Serial manyak timbog sa Nueva Ecija (Boobs ng dalagita dinakma)

ARESTADO ang isang lalaki matapos ireklamo ng isang dalagita na dinakma ang kanyang dibdib habang naglalakad sa lansangan sa bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Miyerkoles, 25 Agosto.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Talavera Municipal Police Station, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas June, 27 anyos, binata, at residente sa Brgy. Esguerra, sa nabanggit na bayan.

Inaresto ang suspek sa follow-up operation na ikinasa ng mga tauhan ng Talavera MPS dahil sa reklamo ng isang dalagita na dinakma ang kanyang dibdib habang naglalakad sa Brgy. Poblacion Sur, dakong 6:40 pm kamakalawa.

Napag-alamang, matapos ang pambabastos sa biktima, tumakas si alyas June sakay ng isang motorsiklo ngunit natunton din ng mga awtoridad ang kanyang kinaroroonan.

Matapos pumutok ang balita na nahuli na ang suspek ay humugos sa himpilan ng Talavera MPS ang iba pang biktimang nagsasabing binastos din sila ni alyas June sa iba’t ibang lugar at panahon.

Sasampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na nakakulong sa Talavera MPS Jail. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *