Monday , April 28 2025
arrest posas

Most Wanted ng Nueva Ecija nasukol sa Batangas

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaghahanap sa kasong frustrated murder sa Nueva Ecija sa kanyang pinagtataguan sa lalawigan ng Batangas nitong Miyerkoles ng gabi, 25 Agosto.

Ayon kay P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagkasa ng manhunt operation ang magkasanib na mga elemento ng San Antonio Municipal Police Station sa Nueva Ecija  at Sto. Tomas CPS, sa lungsod ng Sto. Tomas, lalawigan ng Batangas.

Target ng operasyon ang puganteng kinilalang si Michael Gabriel, nakatala bilang top 10 most wanted person ng San Antonio, Nueva Ecija, 40 anyos, na nadakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa krimeng Frustrated Murder na nilagdan ni Presiding Judge Thelma Canlas Trinidad-Pe Aguirre, ng Caloocan City RTC Branch 129, may petsang 3 Nobyembre 2015.

Lumilitaw sa datos, si Gabriel ay suspek sa pananaksak sa kanyang kasamahan sa trabaho noong 2014 at nagtago ng mahigit limang taon bago naaresto sa Batangas. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *