SINGAPORE — Humarap sa korte ang isang Pinay na inakusahang hinaluan ng kanyang menstruation at ihi ang pagkain ng kanyang dating employer na nagsabing kaya niya nalaman ang ginagawa ng kanyang kasambahay ay dahil nakatanggap siya ng sumbong mula sa dating kasintahan ng babae na nag-alerto sa kanya sa mga pangyayari.
Ngunit mariing tinanggi ng 44-anyos na si Rowena Ola Canares ang mga alegasyon laban sa kanya ng kanyang amo para sabihing nagsinungaling siya sa kanyang boyfriend ukol sa mga sinasabing nagawa niya laban sa kanyang employer.
Nabigo ang amo ni Canares na tukuyin ang eksaktong petsa o oras kung kailan ginawa ng kanyang dating kasambahay ang mga sumbong ng dating kasintahan nito ukol sa pambababoy sa kanyang pagkain. Bukod dito, mahabang panahon na ang lumipas bago naisagawa ang police report noong Disyembre ng taong 2019.
Hindi mapangalanan ang amo ni Canares na isang software engineer sanhi ng gag order na nagbibigay proteksiyon sa kanyang pagkakakilanlan. Ayon sa proteksiyon, naglabas ng nasabing kautusan dahil sa uri ng krimen na maaaring magbigay ng kahihiyan sa pamilya ng biktima.
Batay sa testimonya mula sa lalaki, nagsilbi bilang kasambahay si Canares sa kanyang pamilya simula pa noong Mayo 2017 at wala namang naging reklamo ukol sa performance ng kasambahay hanggang aganap nga ang mga alegasyon laban sa babae.
Naging tungkulin ni Canares na alagaan ang mga supling ng kanyang amo at magluto ng pagkain ng pamilya mula sa agahan hanggang sa pananghalian at hapunan.
Malaya siyang nakakapamili ng mga sangkap para sa kanyang mga niluluto at kung minsa’y nagluluto rin siya ng sarili niyang pagkain habang nakahiwalay ang para sa pamilya ng kanyang amo.
Nang taungin ng prosekusyon bakit nagdesisyon siyang magsampa ng reklamo, tumugon ang amo na bandang 11.14 pm noong 15 Disyembre 2019, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero ngunit nakilala niya ang kausap sa display picture sa kanyang cellphone na ex-boyfriend ng kanyang kasambahay na dating pinakita sa kanya ni Canares.
“He sent messages saying that she put menstrual blood and urine in the family’s food. Then I was shocked, he sent a message to both me and my wife,” aniya.
Sa kasawiang-palad, pumanaw sa sakit na kanser ang dating kasintahan ni Canares matapos magsumbong.
Isang imbestigador na may hawak ng kaso ang nakausap ang ex-boyfriend ni Canares at sa testimonya nito bago siya pumanaw noong Enero 20 ng nakaraang taon, itnanggi ng binata ang anumang pagkakasangkot sa insidente.
Magpapatuloy ang pagdinig sa kaso ni Canares at kapag napatunayang nagkasala siya, maaari siyang mahatulan ng dalawang taong pagkakabilangggo o pagmumulta o pareho, pahayag ng isang opisyal ng korte. (TRACY CABRERA)