ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SUPER-BUSY ngayon si Ms. Charo Laude bilang National Director ng Mrs. Universe Philippines 2021. Siya rin ang reigning Mrs. Universe Philippines, kaya talagang nakatutok siya sa gaganaping pageant next month.
Panimulang pahayag ni Ms. Charo, “So busy preparing for the grand coronation of Mrs. Universe Philippines 2021 pageant. Busy din ako sa photoshoots and videos and mga dapat pang gawin sa grand coronation night this September 10 sa Okada.”
Aminado siyang matindi ang nararamdamang stress factor sa nalalapit na pageant, dahil pa rin sa pandemic.
“Yes, sobra! Kasi, we’re all set na sana this September 4, but we need to move the date on September 10 because of pandemic. Hopefully, maging okay na,” sambit niya.
Ang mga naggagandahan at talented na ginang na finalists dito ay ang mga sumusunod: Rosemarie Dumadara-Koerner, Maria Fe Valdez Aliba, Alec Nicole Bathan, Marissan Belangel-Conche, Rosana Eugenio, Sarah Liroe Javier, Claudeline Cuntapay Molero, Virgie S. Chua, Monique Cantalejo Rivera, Heaven Peñaflorida, Christine Adaniel Escalante, Sofia Lee, Ellen Poyaoan – Santos, Frenelyn Libao Soloria, Michelle Lucas, Odezza Ramos-Narag, Mutya Kristina Pacis, at Joanna Marie Razon.
Ang mananalo sa naturang pageant ay ipadadala sa South Korea bilang kinatawan ng bansa.
Inusisa rin namin siya kung mayroon ng names ng mga magiging judges sa Mrs. Universe Philippines 2021?
“Soon, to announce na lang… Pero all of them are all empowered men and women,” matipid na wika pa ni Ms. Charo.
Iyong pagboto sa Vantle at sa picture likes sa FB page ng Mrs Universe Philippines, may points ba iyon?
Tugon niya, “Yes, may points and part of that will be given and help sa mga Covid facilities and charities na matutulungan namin.”
Gaano kahalaga ang advocacy ng mga candidates sa Mrs. Universe Philippines 2021? Nache-check ba nila kung talagang seryoso ang candidates sa kanilang sinasabing advocacy?
“Yes, mahalaga… kasi ang Mrs. Universe Philippines is not only a beauty pageant, the most imptortant is that you have a heart to help, inspire and empowered other women… and especially the children.
“Like what we said sa slogan ng Mrs. Universe, empowering the women today and inspiring the children of tomorrow. So, very important iyon that every queen should know the meaning of that, for them to be able to empower others, also.”
Nang sumali siya at nanalo sa Mrs. Universe Philippines noon, ano ang naging paghahanda niya at gaano kahirap iyon?
Esplika niya, “Mahirap kasi, one month mahigit lang ang preparation ko and mag-isa lang akong pumunta roon, bringing six luggages na mag-isa lang. Kasi, not allowed ang kasama and 14 days kami nag-stay sa Guanzou, China.
“So thankful na nagbunga naman ang mga sakripisyo, kasi I got an award as Mrs. Universe Popularity 2019 and Top-18 out of 95 delegates.”
Bilang isang singer/actress/beauty queen, businesswoman, mother, at iba pa, paano niya nagagawa na magampanan ang maraming bagay na ito?
“Well, mahalaga talaga ang proper time management and delegation ng work sa mga napapagkatiwalaang mga tao, na tumutulong… especially my family,” nakangiting wika pa ni Ms. Charo.