NAKIPAGHIWALAY na ang isang richy-richy na bading sa kanyang boylet na actor nang dahil sa kotse.
Ayon sa nakarating sa aming kuwento, nagpabili raw kasi si aktor ng kotse sa bading. Sinabi raw ni aktor ang brand ng gusto niyang car, na mamahalin, huh!
Umoo naman daw itong si bading na bibilihin ang car kahit milyon ang halaga.
Eto na, hindi naman pala tumupad si bading sa usapan nila ng aktor sa car na gusto nito. Ibinili nga ni bading si aktor ng kotse, pero ibang tatak naman.
Kaya noong ibibigay niya na ito sa aktor, ay hindi ito tinanggap at inaway siya nito. Kung ano-ano raw masasakit na salita ang pinakawalan ng aktor sa kanyang lover na bading. At ito naman daw si bading, ay lumaban. Sinagot-sagot niya si aktor ng masasakit na salita rin.
Ang ending, nakipaghiwalay na lang si bading sa aktor.
(Rommel Placente)